Angela Morena hindi lang magaling sa hubaran at churvahan, may ibubuga rin sa aktingan | Bandera

Angela Morena hindi lang magaling sa hubaran at churvahan, may ibubuga rin sa aktingan

Ervin Santiago |October 19,2022
facebook
share this

Angela Morena hindi lang magaling sa hubaran at churvahan, may ibubuga rin sa aktingan

Ervin Santiago - October 19, 2022 - 02:29 PM

Angela Morena hindi lang magaling sa hubaran at churvahan, may ibubuga rin sa aktingan

Vince Rillon at Angela Morena

PINATUNAYAN ng Vivamax bombshell na si Angela Morena na hindi lang paghuhubad sa harap ng camera ang kaya niyang gawin kundi pwede rin siyang tawaging “aktres.”

Napanood namin ang kanyang launching movie na “Tubero” sa ginanap na private screening sa Gateway Cineplex kamakailan at kumbinsido rin kami na malayo pa ang mararating ng acting career ni Angela.

In fairness, bukod sa kanyang gandang Pinay na Pinay at taglay na kaseksihan, at pagiging palaban sa hubaran, pwedeng-pwedeng maging dramatic actress si Angela base sa ipinakita niyang akting sa “Tubero.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angela (@angelamorena_)


Hindi siya nagpatalbog sa galing ng leading man niya sa pelikula na si Vince Rillon na kahit anong role yata ang ipagawa mo ay kering-keri niyang bigyan ng hustisya.

Umiikot ang kuwento ng bagong Vivamax Original Movie tungkol sa pag-ibig, loyalty, passion, sex, at kung paanong hindi bumitaw sa isang relasyon ano pa man ang pagdaanan.

Magsisimula ang istorya sa magdyowang Paula (Angela Morena) at Logan (JC Tan), na masusubok ang relasyon dahil hindi maibigay ni Paula ang sexual satisfaction kay Logan.

Kahit na likas na mahinhin at conservative si Paula, makikipag-deal siya kay Logan at bibigyan ng ultimatum na magsasalba o magiging katapusan ng kanilang relasyon.

Para hindi iwanan ni Logan, magiging determinado si Paula na ibigay ang gusto nito. Hihingi siya ng tulong kay Gimo, isang tubero na may extra service at nagbibigay aliw sa mga nagiging clients nito.

May mangyayari sa kanilang dalawa na magbibigay ng sexual awakening kay Paula. Pero ang dapat sana’y isang beses lang na pangyayari at inaasahan ni Paula na makakatulong sa pagsasama nila ni Logan ay magiging daan pala para mas lumalim at mas uminit ang relasyon nila ni Gimo.

Ang tanong, ituloy pa rin kaya niya ang planong ayusin ang meron sila ni Logan? O magbago ang isip niya at mas piliin na makasama si Gimo?

Sa ginanap na presscon after ng screening ng pelikula ay natanong si Angela kung keri ba niyang gawin in real life ang ginawa ng kanyang karakter.

“You mean, get a mentor to teach me how to give pleasure to my partner? No, kasi it’s cheating pa rin. Kung nagkakaintindihan naman kayo ng partner mo, you can just work it out by yourselves,” sagot ng sexy star.

Samantala, siguradong hindi mabibitin ang mga manonood sa “Tubero” dahil as usual, sandamakmak pa rin ang mga sex scenes dito pero ang bago, magaganda at artistic ang pagkakagawa rito ng direktor ng pelikula na si Topel Lee.

May mga love scenes dito si Angela with Vince at sa baguhang aktor na si JC Tan na ilang beses nagpakita ng kanyang pwet. Tiyak na pag-uusapan din ng mga Vivamax subscribers ang “SOP” (sex on phone) nina Angela at Vince kung saan pinaligaya nila nang bonggang-bongga ang kanilang mga sarili.

Kasama rin sa movie sina Alona Navarro at Jem Milton na may mahahalaga ring papel sa unang pagsabak ni Direk Topel sa sex-drama.

Mapapanood na ang “Tubero” sa Vivamax simula bukas, October 21.

Vivamax bombshell Angela Morena iyak nang iyak pagkatapos ng sex scene sa ‘Tubero’; keri lang kahit hindi magaling sa kama ang dyowa

Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vivamax sexy stars Angela Morena, Denise Esteban umaming nakapanood na ng porn; parehong palaban sa hubaran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending