Vivamax bombshell Angela Morena iyak nang iyak pagkatapos ng sex scene sa ‘Tubero’; keri lang kahit hindi magaling sa kama ang dyowa
SA wakas, nabigyan na rin ng solo project ng Vivamax ang sexy star na si Angela Morena — siya ang napiling bumida sa sex-drama na “Tubero”.
Ito’y sa direksyon ni Topel Lee at collaboration ng APT Entertainment at Viva Films. Makakasama ni Angela rito sina Vince Rillon at JC Tan.
Ito ay kwento ng pag-ibig, loyalty, passion, sex, at kung paanong hindi bumitaw sa isang relasyon ano pa man ang pagdaanan. Mapapanood ang “Tubero” ngayong October 21, 2022, streaming exclusively sa Vivamax.
Kwento ito nina Paula (Angela) at Logan (JC Tan), at kung paanong susubukin ang kanilang relasyon dahil hindi maibigay ni Paula ang sexual satisfaction kay Logan.
Kahit na likas na mahinhin at conservative si Paula, makikipag-deal siya kay Logan at bibigyan ng ultimatum na magsasalba o magiging katapusan ng kanilang relasyon.
Para hindi iwanan ni Logan, magiging determinado si Paula na ibigay ang gusto nito. Hihingi siya ng tulong kay Gimo, isang tubero na may extra service at nagbibigay aliw sa mga nagiging clients nito.
May mangyayari sa kanilang dalawa na magbibigay ng sexual awakening kay Paula. Pero ang dapat sana’y isang beses lang na pangyayari at inaasahan ni Paula na makakatulong sa pagsasama nila ni Logan ay magiging daan pala para mas lumalim at mas uminit ang relasyon nila ni Gimo.
View this post on Instagram
Ituloy pa rin kaya niya ang planong ayusin ang meron sila ni Logan? O magbago ang isip niya at mas piliin na makasama si Gimo?
“Feel na feel ko ‘yung character ko kasi writer siya and professor pa. Feel ko rin ‘yung pagiging vulnerable ni Paula na pagdating sa love, ibibigay ang lahat.
“Pero doon sa sex scenes, hindi ako nakaka-relate. Hindi ko rin kayang gawin ‘yung ginawa ni Paula na just to save yourself with your partner, makikipag-sex ka sa iba,” pahayag ni Angela.
Esplika ni Angela, dapat daw ang ginawa ni Paula ay, “Una, dapat 100 percent na open kayo ng partner mo. May trust kayo sa isa’t isa para maging more satisfying ang relationship nyo in bed. Dito, parang nangaliwa si Paula kay Logan dahil sa ginawa nila ni Gimo.”
Natanong namin ang dalaga kung sa tunay na buhay ba ay mapapatawad pa niya ang kanyang partner kapag niloko siya o goodbye na agad?
“I cannot tell. Mahirap magsalita nang patapos dahil hindi ko pa yan na-experience. But I don’t think I deserve being cheated. Siguro, mag-usap din muna kayo para malaman kung bakit siya nangaliwa, ano ang reason bakit niya nagawa yun sa ’yo,” tugon ni Angela.
Sa question naman namin kung mahalaga ba sa kanya na magaling sa sex ang dyowa niya, “For me, it’s not really a big deal. Mas importante sa akin ang love kaysa sa sex lang. Puwede n’yo namang i-work out ‘yung tungkol sa sex para malaman n’yo what will please each other.”
Samantala, itinuturing ni Angela na biggest break sa career niya ang “Tubero”, “This is my first film na drama-erotic and thankful ako sa Viva at sa APT Entertainment na akong kinuha nila for the role of Paula.
“Salamat sa tiwala nila at ni Direk Topel Lee. Sobra akong na-immerse sa character ni Paula dahil kahit tapos na ang shoot, hindi ko pa rin mabitiwan yung role at hanggang pag-uwi, umiiyak ako,” pag-amin ng dalaga.
Tungkol naman sa most memorable scene niya sa “Tubero”, “Yung after our bed scene, mabigat na drama ang kasunod. Rehearsal pa lang, iyak ako nang iyak.
“Sorry ako nang sorry kay Vince at tinulungan niya ako para magawa namin nang maayos ang eksena. Nagpapasalamat din ako kay Direk Topel at sa aming assistant directors dahil big help sila sa akin para magawa ko nang tama ang role ko,” sey pa ni Angela.
https://bandera.inquirer.net/312811/angela-morena-kinagat-sa-labi-si-sean-de-guzman-nag-cut-na-si-direk-sa-halikan-pero-ayaw-pa-niyang-tumigil
https://bandera.inquirer.net/313931/vivamax-sexy-stars-angela-morena-denise-esteban-umaming-nakapanood-na-ng-porn-parehong-palaban-sa-hubaran
https://bandera.inquirer.net/318965/high-on-sex-nina-wilbert-ross-angela-morena-at-kay-dovey-sa-vivamax-maraming-pasabog-sa-ending
https://bandera.inquirer.net/323428/2-vivamax-bombshell-nabiktima-ng-manyak-angela-morena-umaming-minolestiya-nagdemanda
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.