Melai personal na binisita ang ‘patron’ ng birthday niya at ng 2 anak: ‘Doble ang ibinibigay Niyang blessings!’

Melai personal na binisita ang 'patron' ng birthday niya at ng 2 anak: 'Doble ang ibinibigay Niyang blessings!'

Melai Cantiveros, Mela at Stella Francisco

MAGKAKASAMANG bumisita ang mag-iinang Melai Cantiveros, Mela at Stella Francisco sa isang simbahan para personal na magpasalamat sa lahat ng blessings na natatanggap nila.

Feeling blessed and thankful ang pamilya ng TV host-comedienne dahil patuloy pa rin silang pinagpapala ng Panginoon sa loob ng mahabang panahon.

After ng Holy Week, ibinahagi ng komedyana sa kanyang Instagram page ang mga litrato nila ng kanyang mga anak na kuha sa loob ng simbahan kung saan sila nag-alay ng panalangin bilang pagdiriwang ng Easter Sunday.


Ayon sa Kapamilya actress at TV host,  tuluy-tuloy ang pagpapasalamat nila sa lahat ng blessings na natanggap nila  mula pa noong pumasok sa ABS-CBN  reality show na “Pinoy Big Brother” taong noong 2009 hanggang sa manalo sa “Your Face Sounds Familiar” last 2015.

Baka Bet Mo: B-day message ni Jason kay Melai: Gusto kong mag-thank you sa iyo, napakabuti mong asawa at nanay

“Birhen dela Assumption, ito ang Patron ng bday nmin mga iina. Paying and praying Thanksgiving and Respect kasi sa kanya ko pinagpray ang mga reality Shows na sinasalihan,” ang simulang mensahe ni Melai.

“Ang Prayer ko is sana makapasok lang sa Pbb, sana makaperform lang ng maayos sa YFSF, pero doble ang binibigay nya. Love u Mama Mary, Jesus Christ and Papa God,” dagdag pa niyang mensahe.

Kamakailan, kumalat ang chika na pinaplano na raw ni Melai at ng asawang si Jason Francisco sa Bohol matapos magbakasyon doon ng ilang araw.

Ipinost ni Melai sa Instagram ang litrato ng kanilang pamilya na kuha nga sa lugar nila sa Bohol, “Residing here in Bohol for Good. We love bohol, kaya dtu na kami titira nila Mela and Stela permanently. its more fun in Phils  Bol anon najud mi ani.”

Pero sinundan niya agad ito ng mensaheng, “Happy April Fools Day.”

Macoy Dubs nabudol sa Paris: So, kung may plano kayong pumunta doon, doble ingat

Bakit biglang nagalit ang 2 anak nina Melai at Jason kay Jericho Rosales?

Read more...