Marco Sison binalikan ang alaala ng apong namatay sa aksidente na si Andrei Sison: 'Nahulog iyan sa 3rd floor ng condo na tinutuluyan nila' | Bandera

Marco Sison binalikan ang alaala ng apong namatay sa aksidente na si Andrei Sison: ‘Nahulog iyan sa 3rd floor ng condo na tinutuluyan nila’

Ervin Santiago |April 11,2023
facebook
share this

Marco Sison binalikan ang alaala ng apong namatay sa aksidente na si Andrei Sison: ‘Nahulog iyan sa 3rd floor ng condo na tinutuluyan nila’

Ervin Santiago - April 11, 2023 - 07:37 AM

Marco Sison binalikan ang alaala ng apong namatay sa aksidente na si Andrei Sison: 'Nahulog iyan sa 3rd floor ng condo na tinutuluyan nila'

Andrei Sison at Marco Sison

EMOSYONAL na nagkuwento ang OPM icon at balladeer na si Marco Sison nang magkuwento tungkol sa pagkamatay ng kanyang apong si Andrei Sison.

Si Andrei ang Sparkle artist na namatay sa car accident nitong nagdaang March 24 kung saan dalawa pa sa kanyang mga kasamahan ang binawian din ng buhay.

Nakatakda na sanang i-launch ng GMA 7 ang 17-anyos na binata bilang pinakabagong miyembro ng Sparkle talent management ngunit hindi na nga ito nangyari dahil sa naganap na aksidente.

Nakapanayam ng BANDERA si Marco kahapon sa presscon ng bago niyang concert, ang “The Class of OPM” kasama sina Dulce, Rey Valera, Marco Sison, at ang dalawang miyembro ng APO Hiking Society na sina Boboy Garrovillo at Jim Paredes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marco Sison (Official) (@marcosisonofficial)


Halatang pinipigil ni Marco ang sarili na maiyak habang nagbabahagi ng kanyang mga naaalala tungkol sa kanyang apong si Andrei.

Nagtatanong ang seasoned OPM singer kung bakit nawala agad si Andrei sa edad na 17. Talagang ikina-shock daw ng kanilang pamilya ang biglaang pagyao nito.

“He’s so full of life, di ba? So promising, so talented and then wala lang. Hanggang du’n lang. Hindi man lang niya naranasan yung sarap ng buhay ng isang tao,” ang pahayag ni Marco.

Baka Bet Mo: K Brosas, Pokwang naaksidente, nagtamo ng mga sugat at pasa

Siyempre, nakapanghinayang naman daw talaga na sa murang edad ng binata ay kinuha agad siya ni Lord. Ngunit aniya, talagang ganu’n ang buhay, napakahirap ipaliwanag.

Sabi pa ni Marco, naghihintay na lamang sila ng “dahilan” kung bakit maagang kinuha ang kanyang apo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrei Sison (@sison_andreii)


Samantala, naikuwento rin niya na noong mahigit isang taon pa lamang si Andrei ay may kinasangkutan na rin itong aksidente.

“Nahulog iyan sa third floor ng condo na tinutuluyan nila. Walang nangyari sa kanya and then ito, sakay ka ng kotse, naka-seatbelt ka…lahat ng proteksyon, airbag, everything, bakit ganu’n…wala na,” ang malungkot pang pahayag ni Marco.

Dugtong pa niya, “Siguro nga natapos na kung ano ang purpose niya sa buhay.”

Bukod sa pagiging talented ay napakabait din daw na bata ni Andrei, at napakamasunurin sa magulang. Palagi nga raw silang nagbibiruan at nag-aasaran.

“Lagi niyang sinasabi yung ano mas pogi raw siya sa akin. Sabi ko wala kang karapatang magsalita ng ganyan kasi ako ang original. Lahat kayo galing sa akin,” aniya pa.

Inamin din ni Marco na mas matindi ang pag-aalala niya sa kanyang anak na si Alain Marco Salvador, ang tatay ni Andrei, lalo na nu’ng malaman nitong patay na ang binata.

“Kasi it’s not a normal thing, di ba? Siyempre, usually the parent moves on first, not the kid so as a father, I was worried more siyempre kay Alain,” sabi pa ni Marco.

Pero aniya, mukhang unti-unti na ring nakaka-recover ang anak pero ramdam pa rin ng kanilang pamilya ang matinding pangungulila sa pagpanaw ni Andrei.

Sparkle artist Andrei Sison naaksidente, pumanaw sa edad na 16

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrei Felix nag-propose kay Pauline Versoza: I can’t wait to marry you!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending