Marco inalala ang pagkamatay ng apo: Hindi ko pa rin maintindihan

Marco Sison inalala ang pagkamatay ng apo: Hindi ko pa rin maintindihan

Ervin Santiago - November 12, 2024 - 12:05 AM

Marco Sison inalala ang pagkamatay ng apo: Hindi ko pa rin maintindihan

Marco Sison at Andrei Sison

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin naiintindihan ng OPM icon na si Marco Sison kung bakit kinuha agad ni Lord ang kanyang apo at Sparkle talent na si Andrei Sison.

Mahigit isang taon na ang nakararaan mula nang pumanaw si Andrei noong madaling araw ng March 24, 2023 matapos masangkot sa car accident.

Ayon kay Marco, until now ay marami pa rin siyang katanungan pati na ang kanilang pamilya tungkol sa biglaang pagkamatay ng kanyang apo.

Sa guesting ng veteran singer-songwriter sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan ay binalikan ng King of Talk na si Tito Boy ang naging pahayag niya noon nang mawala ang kanyang apo.

Sabi ni Tito Boy, “May isa kang linya du’n na hindi ko malilimutan na parang sinabi mo, ‘Everything happens for a reason, sinasabi nila. Ito, ang dami kong tanong, hihintayin ko ‘yung dahilan na ‘yun kung ano man ‘yun pero hindi ko talaga maintindihan.”

Baka Bet Mo: Sparkle artist Andrei Sison naaksidente, pumanaw sa edad na 16

Tanong ng premyadong host, naiintindihan na ba niya ngayon ang pangyayari? Tugon ni Marco, “Hindi pa. Hinihintay ko pa. Dapat meron talagang may mangyaring iba na connected du’n sa nangyari sa apo kong ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrei Sison (@sison_andreii)


“‘Yun nga e, ‘Ano’ng reason bakit ganu’n? Ano’ng nangyayari, bakit nangyari?’ So hinihintay ko ‘yun,” aniya.

Tinanong din ni Tito Boy kung may kanta ba siya na maaari niyang ialay sa namayapa niyang apo pero nagpakatotoo ang singer – hindi raw niya alam at hindi pa siya handa ngayon.

Nag-suggest si Tito Boy na baka pwede ang classic song niyang “My Love will See You Through” ang maaaring maging kanta niya para kay Andrei.

Sa panayam ng BANDERA kay Marco matapos pumanaw ang apo, naikuwento niya na noong mahigit isang taon pa lamang si Andrei ay may kinasangkutan na rin itong aksidente.

“Nahulog iyan sa third floor ng condo na tinutuluyan nila. Walang nangyari sa kanya and then ito, sakay ka ng kotse, naka-seatbelt ka…lahat ng proteksyon, airbag, everything, bakit ganu’n…wala na,” ang malungkot na pahayag ni Marco.

Dugtong pa niya, “Siguro nga natapos na kung ano ang purpose niya sa buhay.”

Bukod sa pagiging talented ay napakabait din daw na bata ni Andrei, at napakamasunurin sa magulang. Palagi nga raw silang nagbibiruan at nag-aasaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lagi niyang sinasabi yung ano mas pogi raw siya sa akin. Sabi ko wala kang karapatang magsalita ng ganyan kasi ako ang original. Lahat kayo galing sa akin,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending