Marco ayaw nang tumakbo sa eleksyon, Rey hindi keri ang politika

Marco ayaw nang tumakbo sa eleksyon, Rey Valera hindi keri ang politika

Ervin Santiago - October 17, 2024 - 06:00 AM

Marco ayaw nang tumakbo sa eleksyon, Rey Valera hindi keri ang politika

Rey Valera at Marco Sison

HINDING-HINDI na papasukin uli ng OPM hitmaker na si Marco Sison ang mundo ng politika kahit pa may mga kumukumbinsi pa rin sa kanya.

As in suko na raw siya sa pagtakbo sa kahit ano pang posisyon sa gobyerno dahil feeling niya hindi talaga para sa kanya ang politika.

Nakachikahan ng BANDERA ang veteran singer-songwriter sa presscon ng upcoming concert nila ng isa pang OPM legend na si Rey Valera, ang “Ang Guwapo at Ang Masuwerte”.

Baka Bet Mo: Marco Sison maraming tanong sa biglang pagkamatay ng apong si Andrei: ‘Sobrang bait nu’n, walang bisyo, masunurin sa magulang’

Kuwento ni Marco, tatlong beses siyang nanalo noong tumakbo siya bilang konsehal sa Biñan, Laguna pero dalawang beses siyang natalo nang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marco Sison (Official) (@marcosisonofficial)


Ayon sa beterano at premyadong singer, naniniwala siya na may mensahe nang nais iparating sa kanya si Lord pagdating sa kanyang political career.

“Ibig sabihin ng Diyos, huwag mo nang pasukin ‘yan hindi mo ‘yan kaya. Dito kayo mas marami kayong mapapasaya,” ang pahayag pa ni Marco na ang tinutukoy ay ang kanyang pagiging singer.

Samantala, kahit maraming pumipilit sa kanya na sumabak sa politika, hindi raw talaga nakumbinsi si Rey Valera.

Inamin niyang hindi niya keribels ang makipaghalubilo sa maraming tao kahit noong nagsisimula pa lamang siya sa entertainment industry.

“Naalala n’yo ‘yung sinasabi kong nerd ako? ‘Yung privacy ng isang nerd talagang kanya ‘yung buhay niya, eh.

“Ang problema kapag politiko ka, lulusubin ka ng mga katakut-takot na mga resibo ng hospital, kung anu-anong mga ano…kakatukin ka, hindi ka tatantanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by HOZT ENTERTAINMENT (@hozt_entertainment)


“Magmumukha ka namang ano kapag hindi mo sila inabutan araw-araw. May mga consequences ‘yun,” paniniwala ng OPM icon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, magaganap ang concert na “Ang Guwapo at Ang Masuwerte” sa Music Museum sa November 22 produced by Echo Jham Entertainment Production. Special guest nila ang mga promising young singers na sina Andrea Gutierrez at Elisha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending