‘Wolverine’ star Hugh Jackman panay ang pa-check up, posibleng bumalik ang skin cancer
INANUNSYO ng Hollywood actor na si Hugh Jackman na muli siyang sumailalim sa ilang medical procedures upang malaman kung bumalik ang kanyang skin cancer.
Para sa kaalaman ng marami, taong 2013 pa nang una siyang ma-diagnose ng “basal cell carcinoma,” isang uri ng skin cancer na dulot ng matagal na exposure sa araw.
Ang nasabing sakit ay hindi kumakalat sa ibang bahagi ng katawan at mataas ang posibilidad na gumaling agad.
Sa Instagram video na ibinandera ni Hugh ay kapansin-pansin ang bandage sa kanyang ilong at sinabing sumailalim siya ng dalawang biopsy.
Ayon pa sa kanya, malalaman sa mga susunod na araw ang resulta sakaling bumalik ang kanyang sakit sa balat.
“So I wanted you to hear it from me just in case someone sees me on the street or whatever. I’ve just had two biopsies done,” sey niya sa video.
Patuloy niya, “I just went to my doctor and she just saw little things that could be or could not be basal cells in her opinion. I’ll find out in two or three days. As soon as I know, I’ll let you know.”
Baka Bet Mo: Maxene nag-share ng 5 ‘skincare resolution’ para mas maging fresh ngayong 2023: ‘Give yourself more love this year’
Tiniyak pa ng “Wolverine” actor na ang basal cell carcinoma ay hindi mapanganib na uri ng skin cancer.
“Just to remind you, basal cells in the world of skin cancers are the least dangerous of them all,” sey ni Hugh.
Payo rin ng aktor sa kanyang fans na laging gumamit ng sunscreen na may mataas na SPF, lalo na kapag lalabas na tirik ang araw.
Saad niya, “For those of us here in the northern hemisphere, please wear sunscreen. It is just not worth it. No matter how much you want a tan, trust me, trust me.”
View this post on Instagram
Hindi ito ang unang pagkakataon na na-diagnose si Jackman ng basal cell carcinoma.
Ilang beses na siyang naoperahan dati upang matanggal ang kanyang cancerous cells.
Sa kabila ng kanyang health condition, naging aktibo pa rin siya sa acting career at ilan sa mga naging matagumpay niyang pelikula ay ang “X-Men” series, “Chappie,” “Pan,” “The Greatest Showman,” at “Les Miserables.”
Noong June 2022, nag-positibo siya sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon at dahil diyan ay naudlot ang kanyang pagtatanghal sa Broadway show na “The Music Man.”
Related Chika:
Ogie pinayuhan si Vice na mag-anak na: ‘Hindi mo naman kailangang dyumogdyog’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.