Ogie pinayuhan si Vice na mag-anak na: 'Hindi mo naman kailangang dyumogdyog' Bandera

Ogie pinayuhan si Vice na mag-anak na: ‘Hindi mo naman kailangang dyumogdyog’

Reggee Bonoan |May 15,2021
share this

Ogie pinayuhan si Vice na mag-anak na: ‘Hindi mo naman kailangang dyumogdyog’

Reggee Bonoan May 15,2021 - 03:53 PM

Bago-bago palang si Vice Ganda noon sa showbiz industry ay pinayuhan na siya ng dati niyang manager/friend na si Ogie Diaz na magkaroon ng anak para may makasama siya at magpatuloy ng legacy niya.

“Mahirap kasi kapag namatay kang mag-isa, kasi pagtagal hindi ka na maaala ng tao. Unlike pag may anak ka tulad ko, puwede kang magsabing, ‘ako po ‘yung anak ni Ogie Diaz.’”

Nagkita raw ulit ang dalawa sa Badminton court, “Nu’ng nagkita kami sa Badminton, sabi ko, ‘teh ano na kung noon mo pa in-entertain, e, di ilang taon na (sana) ang anak mo ngayon?'”

Dati raw kasi kapag binabanggit ni Ogie na mag-anak na ang Unkabogable Phenomenal Star ay nandidiri, “sabi niya (Vice), ‘teh, hindi ko naman kaya ‘yun!’

“Sabi ko, ‘gagah, hindi ka naman dyudyog, magbabati ka lang para lumabas ang semilya mo. Iku-culture ang semilya mo at iga-ganu’n (ihahalo) sa egg cell.”

Pero nu’ng nanay na ni Vice na si Gng. Rosario Viceralna ang nagtanong sa ginawa nitong vlog nilang mag-ina ay napaisip na siya.

Sabi ni Ogie, “Dahil ‘yun din naman ang sabi ni mommy Rosario, nanay niya na, ‘para saan itong mga (malaking bahay) pinaghirapan mo kung wala ka namang pamamanahan. Kaya gusto ni nanay na magka-anak si Vice ng dugo’t laman niya.

“Not necessarily dyu-dyug siya ng girl kasi may ibang way, di ba sa Thailand na pagpunta mo ro’n mamimili ka ng mga egg (cell) doon na ang may-ari architect, engineer, doktora para sa (talino) ng bata, mamimili ka.”

At kapag nangulit na si Vice na ready na siya ay tiyak na si Ogie ang tatawagan nito dahil alam nito kung saan sila pupunta.

“Willing ko siyang samahan sa (Thailand), sobra kong pangarap ‘yun for Vice na magkaroon siya ng anak kasi sabi ko sa kanya mag-iiba ‘yung perspective mo in life, look mo in life kapag may anak ka. Mabubuhos ang atensyon mo, nandiyang iingatan mo lalo ang sarili mo kasi gusto mong maabutang magka-apo ka sa anak mo,” kuwento ni Ogie sa panayam namin sa kanya nitong Biyernes ng gabi sa Tiger Winx Restaurant, Panay Avenue.

Ang perfect example na nainggit kay Ogie sa pagkakaroon ng mga anak ay ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz na sa kasalukuyan ay may 8 anak na dahil apat na pares ang kambal niya sa iisang ina.

“Si Joel Cruz, ninong ‘yan ng anak kong pangatlo. Nu’ng um-attend (binyag) wala pa siyang anak, sabi niya, ‘gusto ko rin ng ganyan Ogie (mga anak). Gusto ko ‘yung semilya ko do’n sa egg cell.’ O hayan, kinabog pa ako ni Joel Cruz, walo anak niya ako lima lang,” kuwento ng Talent manager ni Liza Soberano.

At kaya raw puro kambal ang anak na sa Russia ginawa ay dahil sinadyang pagsamahin ang dalawang sperm cell at egg cell.

“Sa Russia, legal ‘yung ganu’n. Iisa lang ‘yung nanay. Alam ko ‘yung first 4 (kambal) sa nanay mismo. ‘Yung sumunod (4 twins) hindi na kinaya ng nanay kaya ‘yung egg cell nu’ng nanay at sperm cell ni Joel saka isinaksak sa iba, surrogacy kaya magkakapatid pa rin sila sa ama’t ina lahat,” kuwento ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending