Boy, Gerald, Arci, Ben&Ben, Ice, Matet kumasa sa hamon ni Dingdong, bakbakan sa 1st anniversary ng ‘Family Feud’

Boy, Gerald, Arci, Ben&Ben, Ice, Matet kumasa sa hamon ni Dingdong, bakbakan sa 1st anniversary ng 'Family Feud'

Boy Abunda, Gerald Anderson, Kylie Padilla, Ice Seguerra at Matet de Leon

TINANGGAP na ng King of Talk na si Boy Abunda ang hamon sa kanya ni Dingdong Dantes na sumabak sa top-rating Kapuso game show na “Family Feud”.

Pumayag na nga si Tito Boy na maging contestant sa “Family Feud” bilang bahagi ng first anniversary ng well-loved weekday game show ng GMA 7 kahit pa nga takot na takot siyang mag-guest sa programa.

Bukod sa award-winning veteran TV host at talent manager, mapapanood din ang unang pagtapak ng Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson sa bakuran ng GMA kasama ang leading lady niya sa pelikulang “Unravel” na si Kylie Padilla.


Sampung celebrity teams ang maglalaban-laban sa week-long anniversary special ng “Family Feud”  simula April 10 hanggang April 14 kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Sa April 10, Lunes, maghaharap nga ang lead stars ng 1st Summer Metro Manila FilmFestival na “Unravel” at “Mga Lihim ni Urduja” na sina  Gerald at Kylie.

Baka Bet Mo: Sa wakas, Gerald Anderson mapapanood na sa GMA 7; mapapalaban sa ‘Family Feud’ kasama si Kylie Padilla

Sa April 11, Martes, tutukan ang pagsalang ni Tito Boy kasama ang kanyang team “Fast Talk” na sina Ai Ai delas Alas, Drew Arellano, at ang award-winning actor na si Arnold Reyes.

Makikipagbakbakan sila sa paghula sa Team Keridas na pinangungunagan nina Carmi Martin, Arci Muñoz, Sharlene San Pedro at Adrianna So.

Pagsapit ng April 12, Miyerkules, maghaharap naman ang team “TiktoClock” at team “Hearts On Ice”. Ang team “TikToClock” ay binubuo nina Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, at Jayson Gainza habang ang “Hearts On Ice” naman ay binubuo nina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Ina Feleo, at Skye Chua.


Sa April 13, Huwebes, sasalang ang premyadong OPM band na Ben&Ben pero kailangan muna silang maglaban-laban sa pangunguna ng magkapatid na sina Paolo at Miguel Guico.

Si Paolo ang magiging team leader ng National Anteam, kasama sina Keifer Dela Cruz, Agnes Abalos, at Poch Dulay. Habang si Miguel naman ang mangunguna sa kaniyang team na Teampered Glass kasama sina Toni Muñoz, Pat Lasaten, at Jam Villanueva.

Ang isa pa nilang band member na si Andrew de Pano ay kasama rin sa studio audience upang sumuporta sa kanila.

At sa Biyernes, April 14, patalbugan naman ang grupo ng dalawang sikat na child stars noon na sina Ice Seguerra at Matet de Leon.

Makakasama ni Ice sa kanyang team ang asawang si Liza Diño, Abell Diño-Cabrera, at JC Seguerra. Ka-join naman si Matet ang mister na si Mickey Estrada, ang anak na si Icay Estrada, at pamangkin ni Mickey na si Nicole del Rosario.

Mapapanood ang week-long anniversary special ng “Family Feud” simula April 10 hanggang April 14, 5:40 ng hapon sa GMA 7.

Dingdong gustong makasama sa serye si Jo Berry; iniba ang style ng pagho-host sa ‘Family Feud’

‘Totoo nga ang tsismis…nakaka-tense, nakakaloka, nakakanerbiyos at ang saya-sayang sumali sa Family Feud!’

Read more...