Klarisse de Guzman walang awang ‘pinatay’ sa socmed: ‘Buhay na buhay ako, nagti-TikTok po ako’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Klarisse de Guzman
“KLARISSE de Guzman…pumanaw na!” Yan ang nakasaad sa isang Facebook post na ikinaloka talaga ng Kapamilya singer.
Isang naghuhumiyaw na fake news ang nasabing FB post kung saan makikita ang black and white photo ng dalaga na may nakasulat na, “Rest Of Peace…Klarisse de Guzman (1991 to 2023).”
Du’n pa lang sa mga katagang “Rest Of Peace” ay maling-mali na (Rest In Peace ang tama) kaya kita mo nang peke ang naturang balita.
Mismong si Klarisse ang nagbahagi nito sa kanyang Instagram Story na noon pang March 19 pa nai-post sa Facebook pero kahapon lang, April 5, nakarating sa biriterang singer.
Ngunit sa halip na magalit at ma-stress, sinakyan na lang ni Klarisse ang ginawang “pagpatay” sa kanya sa socmed ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang magpakalat ng fake news.
Sa ni-repost ngang FB story ni Klarisse ay naki-rest in peace na rin siya kaya tawang-tawa at aliw na aliw ang kanyang mga fans at socmed followers na nagpaabot din ng kanilang “pakikiramay.”
Sa kanyang Instagram story naman, ipinagdiinan ni Klarisse na hindi pa siya tegi at gawa-gawa lang ang balitang namatay na siya.
“Jeepoy buhay na buhay ako. Nagti-TikTok ako,” ang muling paglilinaw ng dalagang singer na napanood pa namin sa “ASAP Natin To” last Sunday, April 2.
Hindi ito ang unang pagkakataon na pinatay si Klarisse sa socmed. Taong 2017 nang mabalitang patay na siya kasabay ng release ng kanta niyang “Paalam Na”.
Nag-ugat ito sa isang YouTube video kung saan nakasulat sa text title ang “Paalam Na – Klarisse De Guzman” na sa unang tingin ay aakalain mong pumanaw na ang dalaga na
Sa mga hindi pa aware, si Klarisse ang naging champion sa season 3 ng “Your Face Sounds Familiar” na umere sa ABS-CBN noong 2021.