Ogie Diaz tinawag na ‘tanga’ ang nanay ng singer: ‘Kakakain mo ‘yan ng halo-halo Mommy!’

Ogie Diaz tinawag na 'tanga' ang nanay ng singer: 'Kakakain mo ‘yan ng halo-halo Mommy!'

Ogie Diaz, Jake Zyrus at Raquel Pempengco

HINDI man binanggit ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang Instagram Story, marami ang nagsabi na patungkol ito kay Raquel Pempengco.

Ito ang pinaniniwalaang sagot ni Papa O sa ina ni Jake Zyrus na dating Charice Pempengco matapos silang magkapalitan ng maaanghang na salita sa social media.

Nag-react kasi ang vlogger sa ginawang pagkukumpara ni Raquel sa anak niyang si Jake at kay Morissette Amon. Ayon sa nanay ng international singer, mas magaling pa rin daw si Charice kesa kay Morrissette.

Pinagkukumpara kasi ng mga netizens ang pagkanta ni Charice noon ng “I Have Nothing” sa concert ni David Foster at sa performance ni Morissette sa nakaraang show ng singer-songwriter at talent manager.


Reaksyon naman ni Ogie sa issue na mapapanood sa kanyang “Showbiz Update” vlog sa YouTube, “Kung feeling mo, ‘di nabigyan ng justice ni Morissette Amon ‘yung kanta at ‘yung anak mo lamang ang makakakanta, eh babalik na naman tayo sa dati na parang hindi mo talaga gusto ang pagbabagong-anyo ni Charice Pempengco na ngayo’y Jake Zyrus na.”

“Kasalanan ba ni Morissette kung kumanta siya? Kasalanan din ba ni David na pakantahin niya ‘yung kanta niya kay Morissette? Wala rin naman kasalanan si Charice kung magbago siya ng anyo, pero para magsalita ka ng ganito ay parang hindi maganda,” litanya ni Papa O.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz pinagsabihan si Raquel sa pagkukumpara kay Charice at Morissette: Baka pwede mong i-assess ang sarili mo kung saan ka nagkamali

Diin pa ni Ogie, dapat tanggapin ni Raquel na nagbabago ang mga tao, “Maging phase ng ibang tao, sa boses ng anak mo nagbabago. Maaaring kaya pa rin ibirit ni Jake Zyrus ang kanta ng dating Charice Pempengco.

“Nakakaloka ito, paano kapag si Charice na ang pakantahin ni David, wala ka nang masasabi ganun? Dahil iba pinakanta, may nasasabi ka na. Hindi maganda ang pag-uugali na ganun, Mommy Raquel,” sey pa ni Ogie.

Hirit pa niya, “‘Yung opinyon mo ginagalang ko pero syempre tingnan mo naman nag-opinyon ang mga tao. Binabash ka tuloy. Baka pwede mong i-asses ang sarili mo kung saan ka nagkamali. Kung nagkamali ka ba sa mga kuda mo.”

“Walang problema kung ipagtatanggol moa ng anak mo kasi anak mo ‘yan. Walang problema kung idedepensa mo siya at kung feeling mo si Charice lang o si Jake Zyrus lang ang makakapagbigay ng justice sa song. Ang problema, may sinasagasaan kang tao.


“Yun ang hindi maganda. Kaya sana baguhin mo ang ganyang pag-uugali ha, Mommy Raquel. Hindi pa huli ang lahat, kaya mo pang gawin ‘yan,” ang punto pa ni Papa O.

Samantala, pinuri naman ni Raquel ang veteran columnist na si Nanay Cristy Fermin na nagbigay din ng kanyang saloobin sa isyu.

“You got my point Ms. Cristy Fermin. Gusto ko sana ikaw mag Interview sa akin para naman matauhan si Ogie Diaz, basta na lang sasakay sa komento ng mga basher,” ang sabi ni Raquel sa kanyang Facebook post.

Sabi pa niya kay Ogie, “Wait ka lang at bibigyan kita ng mga achievements ni Jake na hindi mo nalalaman. Baka mawindang ka at maniwala na talagang LEGENDARY AND NOBODY CAN DEFEAT CHARICE OR JAKE.”

At nito ngang nagdaang Martes, April 5, nag-post si Papa O sa Instagram Story na pinaniniwalaan ng mga netizens na patama kay Raquel “Tanga rin pala itong nanay ng isang singer, eh.

“Kakakain mo ‘yan ng halo-halo Mommy! Panoorin mo kasi yung buong episode na yon ng Showbiz Update. Tagalog naman yon, ‘di mo maintihan?” ang hirit pa ng talent manager.

Nauna nga rito, nag-post si Raquel sa FB habang kumakain ng halu-halu, “Magpalamig muna tayo mga Bashers ko…masyadong umuusok ilong nyo sa akin eh….lalo ng si Ogie Diaz lalo tuloy lumalaki ilong.

“Tatawanan ko na lang kayo.. Sige pa trending pa more….Abangan nio maglalabas pa ako ng ikagagalit pa ninyo…bwahahaha,” ang pang-aasar pa ng nanay ni Jake kay Ogie.

Raquel Pempengco may patutsada sa concert ni David Foster: Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco

Nanay ni Jake Zyrus nagluluksa sa pagpanaw ng ina at kapatid; nanawagan ng tulong pinansiyal

Read more...