Kris mamula-mula na ang face, nadagdagan ang timbang matapos gamutin ng mag-amang Indian doctor; Bimby mas lalo pang gumuwapo | Bandera

Kris mamula-mula na ang face, nadagdagan ang timbang matapos gamutin ng mag-amang Indian doctor; Bimby mas lalo pang gumuwapo

Ervin Santiago |April 06,2023
facebook
share this

Kris mamula-mula na ang face, nadagdagan ang timbang matapos gamutin ng mag-amang Indian doctor; Bimby mas lalo pang gumuwapo

Ervin Santiago - April 06, 2023 - 07:35 AM

Kris mamula-mula na ang face, nadagdagan ang timbang matapos gamutin ng mag-amang Indian doctor; Bimby mas lalo pang gumuwapo

Kris Aquino, Joshua at Bimby (Photo from Instagram)

SANA nga’y magtuluy-tuloy na ang paggaling at pagbuti ng kalusugan ng nag-iisang Queen Of All Media na si Kris Aquino.

In fairness, nakita na namin ang itsura ngayon ng award-winning TV host-actress base sa mga litratong ipinakita ng dating entertainment editor at malapit na kaibigan ni Kris na si Kuya Dindo Balares.

Base sa mga latest photos ni Kris, kitang-kita ang napakalaking improvement sa kanyang mukha na noo’y sobra na ang kapayatan na parang hindi na nga nakakakain nang tama.

Bukod sa kanyang mamula-mula nang face, nadagdagan na rin ang kanyang timbang. Mas nagkalaman na siya ngayon kumpara sa nakita nating katawan niya ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nang makachikahan namin si Kuya Dindo, na itinuturing na ring kapamilya ni Kris, mukhang effective nga ang ginagawang panggagamot sa mommy nina Joshua at Bimby ng mag-amang Indian doctors na sina Dr. Sudhir Gupta at anak nitong si Dr. Malika Gupta.

Baka Bet Mo: Elha Nympha ginaya ang pagsasalita ng mga Indian; nag-sorry matapos akusahang ‘racist’

Si Dr. Malika ang kasama ni Kris sa litratong ipinakita sa amin ni Kuya Dindo. Pero nakiusap siya na huwag na munang ikuwento ang sistema ng ginagawang panggagamot sa aktres.

Pero sabi nga namin, mukhang natagpuan na nga ni Kris ang tama at epektibong treatment sa kanyang mga karamdaman, lalo na ang kanyang mga allergies.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Sa litratong nakita namin, kasa-kasama pa rin ni Kris ang bunsong anak na si Bimby na talaga namang palaging nakabantay sa kanyang mama.

In fairness, ang guwapu-guwapo rin ngayon ni Bimb na nagmukhang Korean star sa kanyang itsura. Sabi nga namin kay Kuya Dindo, kapag nag-artista na ang bunso ni Kris ay siguradong mas sisikat pa siya.

Nauna rito, nasabi nga ni Nanay Cristy Fermin sa isa niyang vlog na nagsimula na ang 1st cycle treatment kay Kris bago matapos ang Pebrero, “May nagbalita po sa aming kaibigan na natumbok na kung saan nanggagaling ang allergies ni Kris Aquino dahil nandoon na siya ngayon kay Dr. Sudhir Gupta.

“Ito ‘yung Indian doctor na talaga pong dinadayo ng lahat ng mayayaman sa buong mundo at ang expertise po niya talaga ay tungkol sa mga allergiesm auto-immune disease at mag-ama pala ito na ito ang linya. Napakaganda na raw po ng kundisyon ngayon ni Kris Aquino,” aniya pa.

Indian doctor natumbok na kung saan nanggagaling ang mga allergy ni Kris Aquino, paniniguro ni Cristy Fermin: ‘OK na OK na siya ngayon!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris…masarap at masaya pa rin siyang kausap’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending