Kris sa sobrang kapayatan: Parang nabugbog nang bongga yung feeling | Bandera

Kris sa sobrang kapayatan: Parang nabugbog nang bongga yung feeling

Ervin Santiago |March 14,2022
facebook
share this

Kris sa sobrang kapayatan: Parang nabugbog nang bongga yung feeling

Ervin Santiago - March 14, 2022 - 01:46 PM

Kris Aquino sumailalim sa iba't ibang medical test

Kris Aquino

MULING nagbigay ng update kagabi ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino hinggil sa kanyang health condition sa pamamagitan ng Instagram.

Ibinalita ng TV host-actress na na-diagnose siya ng erosive gastritis at gastric ulcer matapos sumailalim sa iba’t ibang klase ng medical test, kabilang na riyan ang bone marrow aspiration na ginagawa para malaman kung meron siyang blood-related disorder.

Nakasama ni Kris sa kanyang medical examination ang kanyang kaibigan na si Angel Locsin na tinawag pa niyang “stage mother” dahil sa sobrang pag-aasikaso at pag-aalaga sa kanya pati na sa kanyang mga anak.

Sa kanyang official IG page, nag-share si Kris ng mga litrato at video habang sumasailalim siya sa mga test sa isang pribadong ospital kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng doktor na tumitingin sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Ayon kay Tetay, matapos siyang sumailalim sa positron emission tomography (PET) scan, computerized tomography (CT) scan at upper endoscopy, idineklara ng doktor na walang tumor na nakita sa katawan niya.

Ngunit nagkaroon siya ng erosive gastritis at gastric ulcer. At bukod nga sa bone marrow aspiration  sumailalim din siya sa electrocardiogram (ECG) at 2D echo tests. At good news nga dahil sinabi ng doctor na maayos ang kundisyon ng kanyang puso.

Naturukan na rin siya ng second dose ng Xolair injection dalawang linggo makalipas ang kanyang unang turok.

Naikuwento rin ni Kris ang nararamdamang sakit sa kanyang lower spine matapos mangayayat nang bonggang-bongga. Ang timbang niya ngayon ay 85 pounds o 38.5 kilos.

“I won’t lie to you, there’s this parang nabugbog ng bongga feeling in my lower spine BUT apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fat to help ‘CUSHION’ my bones…

“Kaya EXAG (exaggerated) ang sakit, skin then diretso sa buto. Process and hit or miss para makahanap ng okay na pwesto ‘pag hihiga at kung uupo,” aniya pa.

“I constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary.

“Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malala ang pinagdadaanan at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat at patuloy na magdasal,” sey ni Kris.

Kasunod nito, pinasalamatan din ng TV host ang kanyang mga loyal supporters na patuloy na nagmamahal at nagdarasal para sa kanyang paggaling.

May pa-shoutout din siya kay Angel at sa isang nagngangalang Anne Binay Alcantara na nakasama nila ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby sa ospital.

“Thank you to my friends, the lovable feeling both ‘stage mother’ and main character in Grey’s Anatomy to both kuya Josh (and) me, Angel (Locsin) Arce, and the feeling doktora (doctor) even though mommy niya (her mom) is the real MD, who was scolding me for not pressing the pain reliever auto release button kasi ayokong maging (because I don’t want to be) dependent, ‘hindi ito test ng tapang (It’s not a test of courage),’ Anne Binay Alcantara,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa comments section, nag-post ng kanilang mga mensahe ang mga kaibigan niya sa showbiz tulad nina Angeline Quinto, Marian Rivera, Cherry Pie Picache at marami pang iba.

Kris tuloy na ang pangingibang-bansa para magpagamot; nag-sorry kay Joel Villanueva

Maricel gagawa ng US romcom movie; gaganap na nanay ng 2 Fil-Am actress

DonBelle fans niregaluhan ng bonggang billboards sina Donny at Belle sa US, Korea at Switzerland

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending