Vice Ganda in-unfollow sa socmed ng BFF, si Toni Gonzaga ba ito o si Karla Estrada?
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Vice Ganda
PAHULAAN kung sino ang tinutukoy ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na best friend niyang in-unfollow siya sa social media.
Hindi nagbigay ng clue si Vice Ganda when asked recently sa kanilang noontime show kung sino ang best friend niya.
At the middle of the chikahan nina Kim Chiu, Vhong Navarro and Makati City 1st District Councilor Jhong Hilario ay nagtanong ang una kay Vice Ganda ng, “Ikaw, ikaw, sino’ng bestfriend mo?”
Sumagot naman si Vice Ganda kaya lang intriguing ang kanyang answer,
“’Di ko na alam kasi alam ko best friend ko siya pero in-unfollow niya ‘ko. Nagtaka ako in-unfollow niya ako,” say ni Vice habang tumatawa.
With this, biglang nagtanong si Vice Ganda kay Vhong, “Ikaw rin ‘di ba in-unfollow nya?!”
Instant ang sagot ni Vhong who said, “Oo, parehas tayo”.
Hindi naman nagpahuli si Jhong who said, “Ay, parang alam ko na kung sino ‘to.”
For the netizens, wala nang kailangang ibigay na clue. Ang feeling nila ay si Toni Gonzaga-Soriano ang best friend ni Vice Ganda na in-unfollow siya sa social media.
Kung true ito, aba nakakaloka nga dahil alam ng marami na magkaibigan sila.
At kung true rin na in-unfollow niya si Vhong ay nakakagulat din dahil naging leading lady ni Vhong si Toni sa ilang movies at nagkasama pa ang dalawa sa gag show na “Wazzup Wazzup.”
True ba ito, Toni? Pakisagot nga.
Anyway, nag-react ang netizens sa isang Facebook account tungkol sa pag-unfollow kay Vice Ganda ng sinasabing best friend niya.
May iba-iba silang hula pero mas marami ang nagsabi na si Toni Gonzaga ang friend ng “It’s Showtime host na nag-unfollow.
“Nope. Naka-follow pa sila sa isa’t isa. @praybeytbenjamin username ni Vice sa ig,” say ng isang fan.
“Baka si karla haha charot charot lang,” say ng isa pang faney.
“Toni Gonzaga yan kasi lahat in-unfollow ni Toni G,” paniwala naman ng supporter ni Vice Ganda.