Lani binalikan ang pagkakaroon ng bacterial meningitis na nakaapekto sa kanyang boses: ‘Lahat sintunado’

Lani binalikan ang pagkakaroon ng bacterial meningitis na nakaapekto sa kanyang boses: 'Lahat sintunado'

Lani Misalucha

BINALIKAN ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha ang naging struggle niya sa pagkanta nang mawalan siya ng pandinig ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Maluha-luha ang OPM icon nang alalahanin ang naging epekto nito sa kanyang singing career nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”


Ayon kay Lani, talagang nahirapan at naapektuhan siya nang ma-diagnose ng bacterial meningitis.

“Ang bacterial meningitis ay hindi biro, maaaring mag-cost ito ng iyong buhay kapag ‘di naagapan,” ang pahayag ni Lani.

Kuwento ng veteran OPM artist, nang magpa-check up sila ng asawang si Noli Misalucha sa ospital ay nakararanas na sila ng side effects ng nasabing karamdaman, kabilang na ang “hearing loss” at “blurry vision.”

“So, you can imagine for a singer like me, mawawalan ng pandinig eh, parang napakahirap nu’n, ‘di ba,” ani Lani.

Baka Bet Mo: Lani Misalucha umaming nagkasakit: Nagkaroon po ako ng ‘shingles’…ang chaka!

Marami raw silang pinagdaanang treatment para maalis ang bacteria sa kanilang katawan, “Pinatay nila ‘yung bacteria through medicine and all that, and then binigyan kami ng steriods para bumaba yung swelling sa brain namin.”

Inatake raw siya ng matinding takot nu’ng panahong yun na itinuturing niyang “biggest health scare” sa kanyang buhay ay matinding banta sa kanyang singing career.

“Napakaterible ng pakiramdam na, paano ako kakanta na ‘yung sarili kong boses hindi ko na naririnig?” aniya.


Pagbabalik-tanaw pa ni Lani, “Noong kumanta na nga ako doon sa Chrismas concert ng The Clash, hindi ko alam na sintunado pala ako, na hindi ko na-hit ‘yung notes ko.

“Lahat ng naririnig ko sintunado, and I even told myself after singing na kung ganito rin lang, bakit pa ako kakanta? Sinong audience ang gustong makarinig ng sintunado?” pag-amin pa ni Lani.

“Siyempre, hindi mo maiiwasan in the beginning na, bakit naman ganu’n, singer ako, eh?

“Ito lang ‘yung binigay sa ‘kin ng Panginoong Diyos na gift, mawawala pa,” lahad pa niya.

Medyo okay na raw ang kundisyon ngayon ni Lani, “It doesn’t really matter if my hearing is going to come back. It doesn’t matter anymore because this was given to me, makaka-complain pa ba ako?

“There are just a lot of other amazing and beautiful things happening in our life, bakit pa ako mag-complain?” dugtong pa niya.

Lani namatayan ng apo; problema sa pandinig dahil sa bacterial meningitis lumala

Ai Ai, Lani, Christian sa The Clash 4: Hinahanap namin total package, pero sana mabait din, walang attitude

Read more...