Chito Miranda nag-sorry sa mga fans na nabigong magpa-picture sa kanya sa NAIA: ‘Medyo aligaga lang kami ni Neri’
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Chito Miranda
NAG-SORRY ang Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda sa mga fans na hindi niya napagbigyan na magpa-selfie sa kanya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nag-explain ang singer-songwriter kung bakit hindi siya nakapagpakuha sa mga fans na gustung-gustong magpa-picture kasama siya.
Sa Instagram, ipinost ni Chito last Monday, April 3, ang screenshot ng kanyang tweet kung saan ipinaliwanag niya kung bakit hindi niya na-accommodate ang mga fans na gustong magpa-selfie sa kanya.
Tweet ng husband ni Neri Miranda, “Nais ko lang po mag-sorry sa mga kasabay namin sa flight kanina na hindi ko napagbigyan magpa-picture paglapag natin sa NAIA.”
Kagagaling lang ni Chito sa US tour ng banda niyang Parokya ni Edgar kung saan nakasama rin niya ang asawang si Neri at ang tatlo nilang anak na sina Pia, Miggy at Cash.
“Medyo aligaga lang kami ni Neri kasi tulog si Cash at ang dami namin kelangang asikasuhin, bitbitin na gamit, along with pag-alaga kay Miggy and Ate Pia,” ang pahayag pa ni Chito.
In fairness, naiintindihan naman daw ng kanyang mga fans at social media followers ang sitwasyon at wala raw silang galit na nararamdaman.
Narito ang ilang comments ng mga netizens hinggil sa pangyayari.
“Oh! no need to say sorry. If meron ako nakikitang artista na kasabay sa flight or hotel, I always respect their personal space. They deserve it. Tao lang din kayo. God bless you.”
“Chito always remains humble af! Mann [I] wish everyone is like you. Idol talaga!”
“Hindi naman talaga need mag sorry, inunahan lang ni sir Chito dahil sa naglipana ang mga pa-woke at cancel culture na walang basis. Personal space at tao lang din sila katulad natin.”
“So humble of you. You still manage your apologies that you don’t owe to? I salute you for all your humbleness. Now me and all people here should learn what is being a level headed. I have worked with a lot of people, but you are one of my greatest admires.”
“It just takes a second! Why not?”
Mensahe naman ni Chito sa kanila, “Kasi po sobrang dami naming bitbit na gamit (gamit namin, gamit ng mga bata, stroller, baby bag, si Cash, etc…) tapos yung 1 second na po na yun, magmu-multiply po since madami po yung gustong magpa-picture.
“Ayoko naman po paghintayin family ko kasi hindi naman po convenient at comfortable yung area,” aniya pa.