Andrea Brillantes, Seth Fedelin nag-sorry sa isa't isa, walang pinagsisihan kahit hindi nagkatuluyan | Bandera

Andrea Brillantes, Seth Fedelin nag-sorry sa isa’t isa, walang pinagsisihan kahit hindi nagkatuluyan

Ervin Santiago |July 18,2022
facebook
share this

Andrea Brillantes, Seth Fedelin nag-sorry sa isa’t isa, walang pinagsisihan kahit hindi nagkatuluyan

Ervin Santiago - July 18, 2022 - 11:05 AM

Andrea Brillantes at Seth Fedelin

NAG-SORRY at nagpasalamat sa isa’t isa ang ex-celebrity couple na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Naging madamdamin ang pagpapalitan ng mensahe ng dalawang Kapamilya youngstars nang muling magkasama sa naganap na mediacon ng kanilang musical-drama series na “Lyric and Beat.”

Makalipas ang ilang buwan matapos masangkot sa kontrobersya dahil sa kanilang breakup, muli ngang nagkaharap ang SethDrea at tulad ng inaasahan, nahingan sila ng press na magbigay ng message para sa isa’t isa.

Pahayag ni Seth sa dating girlfriend, “Huwag mong kalimutan kung sino ka. Kahit saan ka dalhin ng panahon. Bago mo gawin yung isang bagay, isipin mo muna ‘yung kakahantungan.

“Minsan sa buhay, may mga times na reckless ka pero sana sa times na ‘yun, ma-realize na lahat ng bagay dapat isipin. Lahat ng salita bago sabihin dapat pag-isipan,” dagdag ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


At sa kabila nga ng nangyari sa kanilang love story, nangako rin si Seth na all out pa rin ang pagsuporta niya sa lahat ng magiging projects ni Andrea.

“Nasaksihan ko rin ‘yung mga moments mo na ikaw lang mag-isa. Alam kong kayang-kaya mo ‘yan. Minsan nga alam ko na ‘di mo kailangan ng katulong kasi strong ‘yung personality nito,” sey pa ng Kapamilya young actor.

Kasunod nito, nag-sorry rin si Seth kay Andrea pero hindi siya nagdetalye about this.

Ito naman ang mensahe ni Andrea sa ex-boyfriend, “Huwag mong maliitin ‘yung sarili mo. Ayokong lagi mong ugaliin. Alam kong mas capable ka pa para magawa lahat ng gusto mong gawin kung mas tataasan mo lang ‘yung tingin mo sa sarili mo. Deserve mo naman yun, e.”

Patuloy pa niya, “Marami akong natutunan sa ‘yo. And thank you. Ngayon, mas alam ko na ‘yung dapat gawin, dapat hanapin, mas dapat isipin, at mas dapat hindi gawin,” sey pa ng dalaga.

Sa huli, ipinagdiinan naman ni Seth na wala siyang regrets sa naging relasyon nila ni Andrea dahil totoo naman ang naging pagmamahalan nila sa isa’t isa.

“Kilala ko po itong babaeng ito. Thank you kasi naging totoo ‘yung meron tayo. Wala akong pinagsisihan. Walang sana. Ang sana ko lang nagawa natin ito, may movie tayo na ganito. ‘Yun lang ang sana ko,” sabi ni Seth.

Nauna rito, nabanggit din ng dalawang bagets na mukhang matatagalan pa bago sila magsama muli sa isang project.

“I think it’s too complicated as of the moment. For me, hindi lang naman kami ‘yung nasaktan pati po ‘yung mga fans namin. Parang naging dodgeball na rin — ano papaniwalaan, ano kakapitan.

“Lalo na po ngayon na mayroon ng FranSeth, I don’t know if magiging healthy pa po yung relationship ng Gold Squad, Squadmates, FranSeth, Francine fans, fans niya, fans ko, kung nagpapalit-palitan kami,” sabi ni Andrea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Seth, “Sa ngayon, hindi naman ibig sabihin na hindi na kami magta-trabaho at talagang bawal na bawal na, ayaw na namin. Hindi sa ganon. Mas iniisip lang namin ‘yung akma sa panahon.”

Andrea hindi naghahanap ng dyowa: Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon

Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending!

Andrea Brillantes sinupalpal ang basher: Huwag kang umasta na alam mo lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending