Ang Semana Santa ay isa sa mga pinakamahalagang okasyon ng mga Katoliko sa bansa na nagpapakita ng pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagdarasal, pagsasagawa ng mga prusisyon, at pag-alaala sa mga pangyayari sa buhay ni Hesus Kristo.
Kasabay ng pagsisimula ng Holy Week nitong April 2 ay naglabas ng opisyal na pahayag si Pangulong Bongbong Marcos upang makiisa sa mga Katolikong Pilipino.
Mensahe pa niya, maging ahente ng pagbabago at tagapaghatid ng katotohanan.
Sinabi niya rin sa pahayag na ito ang pagkakataon upang alalahanin ang epekto ni Hesus Kristo sa Kristiyanismo.
“It is imperative that we direct our thoughts and our actions to the resurrection of the Lord and the victory that this gives us to this very day,” saad ng pangulo.
Baka Bet Mo: Long weekend sa unang linggo ng Abril; MRT, LRT walang biyahe sa April 6 to 9
Dagdag niya, “Indeed, while it may be difficult to comprehend, the message of salvation and eternal life remains as timely as ever. I urge all of us now to make this promise personal: Let it stir in each of us the desire to know Jesus Christ more so that we may become better agents of change and conveyors of truth wherever we go.”
Sa huli ay hiniling ng presidente na magkaroon ng makabuluhang pagdiriwang ng Holy Week ang mga Pinoy.
Ang Semana Santa o Holy Week ay nag-umpisa sa Palm Sunday (April 2) at matatapos ng Easter Sunday (April 9).
Idineklarang regular holiday ang April 6, 7 at 8 bilang paggunita sa Semana Santa.
Habang ginawang special non-working holiday naman ang April 10 para bigyang-pugay ang Araw ng Kagitingan.
Para sa kaalaman ng marami, April 9 talaga ang Araw ng Kagitingan, pero ginawa na lang itong April 10 upang magkaroon pa ng mas mahabang oras ang mga kababayan na makasama ang kanilang pamilya.
Related Chika:
NCRPO magpapakalat ng halos 5k na pulis sa Holy Week
Viral na ‘to: ‘Teacher Santa’ target tuparin ang Christmas wish ng 20 estudyante