Anak ni Solenn Heussaff na si Thylane uma-attitude na sa edad na 3, naloka sa ginawa ng bagets nang may magpa-picture sa kanya
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Solenn Heussaff, Nico Bolzico at Thylane
NAKAKALOKA ang panganay na anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane.
Mismong ang Kapuso actress na ang nagbuking na sa edad na 3 ay nagpapakita na raw ng “attitude” at “strong personality” ang bagets.
Ayon sa celebrity mom, ngayon pa lang ay nakikitaan na ng pagiging komedyante si Thylane pero feeling nga nila ni Nico, napakalakas din ng personalidad ng bata base na rin sa mga ikinikilos at pinagsasasabi nito ngayon.
Sa bagong YouTube vlog ng celebrity cosmetic doctor na si Vicki Belo, naikuwento nga ni Solenn na parang uma-attitude na ang kanyang anak kahit na tatlong taong gulang pa lamang ito.
“Thylane has a very strong personality and already now, she’s giving me attitude so I’m a bit scared,” ang chika ng Kapuso star.
Natanong naman ni Raymond Gutierrez, na present din sa vlog ni Vicki Belo, kung kay Nico ba nakuha ni Thylane ang malakas na personality nito.
Sagot ni Solenn, “Nico is also very chill, but he can be hyper.” Pero may ilang qualities din daw ang bata na nakuha sa kanya.
Ibunuking pa ng aktres ang isang nakakalokang insidente kung saan lumabas ang slight na pag-a-attitude ng kanyang dynamis.
“Like if we’re going to the park and someone wanted a photo with me so she’s walking with the dad ahead. She looks back and says, ‘no photos! Mama! Mama!'” natatawang chika ni Solenn.
Kasunod nito siyempre, kakauspin niya ang mga taong nagpa-picture sa kanya para humingi ng paumanhin. Baka isipin nga kasi ng mga tao na bata pa lang ay maldita na ang kanyang panganay.
“I will say, sorry, pasensya na po. I swear she’s really nice!” hirit pa ni Solenn.
Tungkol sa pagmamahal na hindi sinuklian ang kanta ni Janine Berdin na “bagay nga tayo pero,” ang pinakabago niyang proyekto kung saan naipamalas niya ang galing mula sa pagsulat ng kanta hanggang sa pagpili ng cast na bibida sa music video nito.
Pinagmamalaki niya ang bagong pop single na siya rin ang nagprodyus katulong sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Eugene Yaptangco.
“I’m so so proud of this one, wrote and did some arranging and producing overall,” sabi ng “Tawag Ng Tanghalan” season 2 grand champion.
Sa unang pagkakataon, nagamit ni Janine ang kanyang talento sa visual arts dahil siya mismo ang gumawa ng cover art ng kanta. Siya rin ang lumikha ng lyric video nito sa tulong ng ilang mga kaibigan.
Para naman sa nalalapit na ilabas na music video ng kanta, si Janine mismo ang bumuo ng konsepto at nanguna pa sa casting.
Isa lamang si Janine sa multi-talented artists na bahagi ng ABS-CBN Music family. Inilunsad niya ang kanyang debut EP na “WTF I actually wrote these songs” noong nakaraang taon. Tampok dito ang mga awiting “The Side Character,” “Pagod Na Ako,” “SHE WAS ONLY 16,” at iba pa.