‘Wet look’ photos ni Elisse Joson bentang-benta sa netizens; bakit gustong sabunutan ng fans ni Janine Gutierrez?

'Wet look' photos ni Elisse Joson bentang-benta sa netizens; bakit gustong sabunutan ng fans ni Janine Gutierrez?

Elisse Joson

TILA may pagkakatulad ang buhay at career ni Elisse Joson. Ito ang napansin naming lately.

Marami kasi ang kinilig nang mag-surface sa social media ang photo niya kasama ang ex-boyfriend na si McCoy de Leon. Marami ang umasa na nagkabalikan na sila.

Sa kanya namang career ay tila parallel ito sa nangyayari sa kanya. As Sophie Madrigales, ang ex-girlfriend ni Aidan (Zanjoe Marudo) sa “Dirty Linen”, determinadong makuha niyang muli ang kanyang pagmamahal ni Aidan.


Dahil dito, magsisilbing tinik sa buhay ni Mila (Janine Gutierrez) si Sophie dahil unti-unti na sanang nakukuha ni Mila ang loob ni Aidan para sa plano niyang paghihiganti sa pamilya nito.

Sa isang interview sa “Kapamilya Chat” kamakailan, ikinuwento ng aktres na natutuwa siyang mapabilang sa isang kapana-panabik na kwento kasama ang mahuhusay na co-stars.

Baka Bet Mo: Elisse Joson, Sofia Andres nag-bonding kasama ang mga anak, dedma sa isyu ng hiwalayan

“I was really excited kasi ang tagal ko ding hindi gumawa ng teleserye. Nandoon ‘yung gustong-gusto kong magtrabaho ng panibagong gagampanan. ‘Yung kaba rin is always going to be there pero ‘yung kabang masaya,” sabi niya.

Elisse promised na kaabang-abang ang kanyang character dahil sa iba pang pasabog na rebelasyon, kabilang na rito ang masalimuot na sikreto ng kanyang karakter.


“There’s so much more in Sophie na magugulat kayo. I’m excited to watch din kung paano mag-a-unfold ‘yung story ni Sophie, kung ano ‘yung dala niyang bagsik,” sabi pa niya.

Sa kanyang official Instagram account, Elisse posted some wet look photos with this caption, “Say hello to Sophie Madrigales. Tonight at 9:30pm #DirtyLinen.”

Positive naman ang response ng kanyang IG followers who see her as very beautiful in the photos.

“Ay ang ganda, parang parehas namin kakainisan yung character niyo ni makoy.”

“Ngayon palang gusto ko na manabunot ng Isang Sophie Madrigales charroot (the ex is back ).”

“Onti palang napapanood ko na scene mo sa DL pero naiinis na agad ako sayo hahahahahahahaha haynako sophie.”

“Naalala ko si Felize dun sa different emotions na post mo, hehe! Congrats po Ms Elisse, abangers n kmi mamya sayo s DL.”

Ang “Dirty Linen” ay mapapanood gabi-gabi ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Elisse Joson ayaw ng bonggang wedding: Ang dream ko lang talaga sa dagat…at sa church

Mga hugot nina Elisse Joson at McCoy de Leon sa socmed pang-promo lang?

Read more...