2 Pinay babandera sa bagong Miss Chinese World pageant
MAY bagong international beauty pageant, ang Miss Chinese World pageant, na naglalayong magtipon ng “young Chinese beauties from around the globe in the celebration and remembrance of Chinese culture, values, and traditions.”
Nagpatawag ang Mutya ng Pilipinas organization ng isang press conference sa CWC Interiors sa Taguig City noong Marso 29 upang iparating na katuwang ang pambansang patimpalak sa bagong contest, na sinabi nitong isa ring “platform to promote goodwill and friendship among the participants.”
Maliban sa pagtatampok sa kulturang Chinese, kaabang-abang din ang patimpalak dahil sa pagtanggap nito ng higit sa isang kinatawan mula sa isang bansa. Sinabi ni Mutya ng Pilipinas Pres. Cory Quirino na maaaring magpadala ng hanggang limang kandidata ang isang bansa.
“We asked them if we can send only two, and they agreed. A delegate should represent a city from that country,” ibinahagi pa niya.
Napili ng Mutya bilang isa sa mga kinatawan ng Pilipinas si Anie Uson, ang kandidata ng Pangasinan sa ika-50 anibersaryo ng Mutya na itinanghal noong 2018, kung saan din siya nagtapos sa Top 12.
Baka Bet Mo: Pinay sa Hawaii kinatawan ng Pilipinas sa Mrs. World pageant
Isa namang beterana mula sa ibang mga organisasyon ang isa pang kinatawan, si Berjayneth Chee. Kinoronahan siyang Miss Philippines Water sa 2018 Miss Philippines Earth pageant, at siya ang kasalukuyang Miss Chinatown Philippines.
Sinabi ni Quirino na magiging kinatawan ng “Metro Manila” si Uson, habang “Misamis Oriental” naman ang bibitbitin ni Chee sa unang edisyon ng Miss Chinese World pageant.
Tinatag ang bagong patimpalak ni Tan Sri Datuk Danny Ooi mula Malaysia, na siya ring bumuo sa Miss Tourism International competition na matagal nang katuwang ng Mutya ng Pilipinas pageant. Namamayagpag ang mga Pilipina sa mas naunang patimpalak, lima na ang nagwawagi, ang pinakamarami para sa isang bansa.
Itatanghal ang 2023 Miss Chinese World pageant will sa Malaysia sa Mayo.
Related Chika:
Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez: ‘Back-to-back is hard, but not impossible’
40 kandidata magtatagisan sa ‘comeback edition’ ng Mutya ng Pilipinas pageant
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.