'Showtime' hosts posible nga bang magsanib pwersa kina Tito, Vic, at Joey? | Bandera

‘Showtime’ hosts posible nga bang magsanib pwersa kina Tito, Vic, at Joey?

Reggee Bonoan |March 31,2023
facebook
share this

‘Showtime’ hosts posible nga bang magsanib pwersa kina Tito, Vic, at Joey?

Reggee Bonoan - March 31, 2023 - 02:21 PM

Showtime hosts posible nga bang magsanib pwersa kina Tito, Vic, at Joey?
Posible kayang mag join forces ang “It’s Showtime” at ang original hosts ng “Eat Bulaga” na sina dating Senator Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon?

Parang imposible kasing magsama ang TVJ sa NET25 dahil nga may sitsit sa amin na on going pa rin ang negotiation ng Brightlight Productions at Eagle Broadcasting Corporation para sa “Lunch Out Loud” o “Tropang LOL” na magtatapos na sa Abril 29 sa TV5.

Bukod dito ay may kanya-kanyang programa na ang TVJ sa NET25 tulad ni Tito Sen na “Reality Check” at “Love, Bosleng and Tali” naman kay Vic kasama ang mag-ina niyang sina Pauleen Luna-Sotto at Tali at si Joey naman ay ang “Oh No! It’s B.O.I.”

Ang tanong, papayag naman kaya ang It’s Showtime family na makasama ang TVJ at ilang EB co-hosts na sasama sa kanila tulad nina Alden Richards, Paolo Ballesteros, Allan K, Jose Manalo, Maja Salvador at Maine Mendoza?

E, paano naman na ang co-hosts din ng “It’s Showtime” na through thick and thin ay hindi nila iniwan ang programa at ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

May nagsabi sa amin, “Malay mo? TVJ pa rin ‘yan!”

Isipin mo ang dating magkaribal ay posibleng magkaroon ng collaboration kaya dapat talaga ay huwag magsusunog ng tulay dahil hindi mo alam ang mangyayari sa kinabukasan.

Anyway, marami na ang naghihintay sa malaking anunsyo ng bagong namumuno ng TAPE Inc, Production para sa rebranding ng Eat Bulaga.

 

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending