Top earners ng House of Franchise, JC franchises pinarangalan sa 'Gathering of the Stars' | Bandera

Top earners ng House of Franchise, JC franchises pinarangalan sa ‘Gathering of the Stars’

Jan Escosio - March 30, 2023 - 11:57 AM

TINIPON ng House of Franchise (HOF) at JC ang top earners ng kanilang franchises sa ginanap na Gathering of the Stars event sa Grand Ballroom ng City of Dreams – Manila kamakailan.

Pinangunahan nina HOF President / CEO  Jonathan So at Vice President / CFO Carlito Macadangdang ang pagbibigay parangal sa kanilang franchisees na kumita kasabay ng pagpapaangat ng maraming Filipino.

Ang HOF ang nangangasiwa sa mga franchises tulad ng Siomai King, Siopao ‘Da King, Burger Fcatory, Potato King, Noodle House at TokTok.

Ang JC naman ang nag-aalok ng health, wellness at beauty products tulad ng Calvit C, Glutafit, Organic Barley Capsule, 4Green Food Supplement Capsule, Kape Supremo, Premiere Green Tea at Omni skin care products.

Sinabi nina So at Macadangdang na ang pagbibigay parangal ay isang paraan ng kanilang pagpapahalaga sa kanilang mga franchisees.

Pagbabahagi ni So, gumawa sila ng “innovations” upang patuloy na kumita sa kabila ng pandemya dulot ng COVID 19 at isa na rito aniya ang “online selling.”

Ayon naman kay Macadangdang mahalaga na mabilis na nakakarating ang kanilang mga produkto sa kanilang mga kustomer sa pamamagitan ng TokTok, ang kanilang sariling delivery service.

Anila bukas ang kanilang negosyo sa lahat ng mga ambisyon at pangarap na umasenso sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.

Ang kanilang mga produkto ay kilala na rin bilang “global brands,” patunay na ang mga ito ay de-kalidad.

Sa pagtitipon tinanghal ang 2022 Top Franchisees, sina Dianne Tan (Top 1); Erarev Bacho (Top 2); Ranielito Macadangdang (Top 3); Frewin Jacy Go (Top 4); Ferdinand Ryan Crisostomo (Top5);  King Mark Pinos (Top 6);  Kenichi Enda (Top 7):  Dennis Villarosa (Top 8);  Venancio Pazcoguun II (Top 9) at Aleza May Landicho (Top 10).

Kinilala bilang 2022 Best Team ang Eralista (three-peat).

Nagsilbing hosts sina movie/TV personality Paolo Contis at 2022 Miss Earth Philippines Roxie Smith at Marc Alcala. Sina Lexi Gonzales at TV personality Ken Chan ang naging red carpet hosts.

Samantala, lubos na pinasaya ni singer / TV actress Gigi de Lana at Gigi Vibes ang mga bisita.

Reead more:

Arnell Ignacio nakikisakay lang daw sa kasikatan ni Vice Ganda: ‘Dapat mga trolls ang pagsabihan mo’

Dawn Chang inaming ‘para sa magandang kinabukasan’ ang dahilan ng pagsuporta kay Leni Robredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

10% capacity sa mga simbahan, pinayagan na ng IATF sa Semana Santa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending