Relasyong GERALD-MAJA pilit winawasak | Bandera

Relasyong GERALD-MAJA pilit winawasak

Ervin Santiago - October 12, 2013 - 03:00 AM

WALA nang atrasan sa pagtutuwid ng mga kasinungalingan ang karakter ni Gerald Anderson sa top-rating primetime action-drama series ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Matapos tumakas sa kulungan, desidido si Miguel (Gerald) na hanapin ang tunay na may sala sa panggagahasa kay Carla (Diana Zubiri) at maging sa pagkamatay ng kanyang ama na si Martin (Gabby Concepcion).

Sa tulong ng kanyang inang si Zenaida (Dawn Zulueta), mabibigyang hustisya ba ni Miguel, ang lahat ng masaklap na pangyayari sa kanilang pamilya? Sino kina Marcus (Rayver Cruz), Victoria (Dina Bonnevie), Richard (Tonton Gutierrez), at Amanda (Cristine Reyes) ang magiging susi sa paglabas ng katotohanan?

Sa kabila ng late time slot nito, patuloy na tinututukan ng TV viewers ang de-kalibreng serye nina Gerald at Dawn. Base sa datos ng Kantar Media noong Miyerkules (Okt. 9), humataw ng 12.9% national TV ratings ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin o anim na puntos na lamang kontra sa katapat nitong programa sa GMA na The Innocent Man na nakakuha ng 6.9%

Huwag pakawalan ang mas kaabang-abang na tagpo sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin, pagkatapos ng Maria Mercedes sa ABS-CBN Primetime Bida.

Samantala, tahimik pa rin si Gerald sa mga tsismis sa kanila ng girlfriend niyang si Maja Salvador na kesyo lagi silang nag-aaway, na kesyo may iba pa siyang babaeng kinakalantari bukod kay Maja at kung anu-ano pang mga kanegahan.

May lumabas kasing chika na nahuli raw mismo ni Maja si Gerald na may kalandiang ibang babae sa condo unit nito, pero nagpapakamartir lang daw ang aktres at tinatanggap ang diumano’y panloloko ng kanyang BF.

Pero feeling naman namin, talagang mga tsismis lang ang mga ito para sirain ang relasyon ng dalawa. Ganu’n naman talaga sa showbiz, di ba, kapag strong ang relasyon ng isang magdyowa, pilit na sisirain para magkahiwalay.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending