Bwelta ni Zeinab Harake sa basher na pumuna sa kanyang boobs: 'Silicon lang sis, na-push sa sikip!' | Bandera

Bwelta ni Zeinab Harake sa basher na pumuna sa kanyang boobs: ‘Silicon lang sis, na-push sa sikip!’

Ervin Santiago |March 27,2023
facebook
share this

Bwelta ni Zeinab Harake sa basher na pumuna sa kanyang boobs: ‘Silicon lang sis, na-push sa sikip!’

Ervin Santiago - March 27, 2023 - 03:12 PM

Bwelta ni Zeinab Harake sa basher na pumuna sa kanyang boobs: 'Silicon lang sis, na-push sa sikip!'

Zeinab Harake

ISA ang internet sensation at sikat na content creator na si Zeinab Harake sa mga celebrities na nanood sa concert ng K-pop group na Blackpink last Saturday, March 25, sa Philippine Arena.

Ayon sa kilalang vlogger at social media influencer, maituturing niyang dream come true bilang isang certified BLINK ang makapanood sa concert ng iniidolong South Korean all-female group.

Talagang in-enjoy nang bonggang-bongga ni Zeinab ang pagpapaka-fan girl sa Blackpink concert base na rin sa mga litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


Makikita ang YouTuber suot ang kanyang OOTD na loose fit pink shirt, red cap at shorts habang nakikisabay sa pagkanta at pagsasayaw ng kanyang super idol na K-pop group.

And of course, may bitbit ding hammer lighstick si Zeinab sa nasabing concert na kanyang iwinawagayway kasama ang  iba pang die hard fans ng Blackpink. Ang nakalagay sa caption ng kanyang IG post, “Happy girl (pink at black heart emojis).”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Pinusuan at ni-like naman ito ng sandamakmak niyang fans kasabay ng pagbati sa katuparan ng kanyang pangarap. May mga netizens naman na napa-sana all na lang na gusto rin sanang manood sa concert ng Blackpink.

Pero may isang naligaw na mensahe mula sa isang netizens na nag-comment ng, “Bakit lumaki ‘yung osus mo e dati naman wala. hahahahaha!”

Hindi naman ito pinalampas ni Zeinab at cool na cool na sinagot ang bastos na bashers, “Silicon lang sis, na-push sa sikip!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


May mga fans naman si Zeinab na nagtanggol sa kanya at kinuyog ang epal na netizen.

“Your dedication is unreal. You had enough time to create a fake account just tp say that? Wow!”

“Daming pakikialaman, pati ba naman yun?”

“E ano naman kung lumaki! Big deal sa yo zist? Ang luma ng issue mo. Kaloka ka!”

“Natural ‘yun pag-mommy ka!”

“Try niyo tignan ibang photos niya jan sa post wala ng osus sis. Mukha lang sa mga unang picture.”

“It’s all about the angles.”

“Women’s Month ngayon gurl. Instead na punahin mo yung books ng iba, unahin mo muna yang ugali mo!”

Solo album ni Rose ng Blackpink, nagpapaalala sa kanya ng isang bagay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lisa ng Blackpink tinamaan ng COVID-19; iba pang miyembro ng grupo nagpa-PCR test agad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending