DJ Chacha sa mga dyowa na mahilig mag-like, comment sa 'sexy' posts: Baka matawa pa ako pwera na lang kung nagd-dm dm na | Bandera

DJ Chacha sa mga dyowa na mahilig mag-like, comment sa ‘sexy’ posts: Baka matawa pa ako pwera na lang kung nagd-dm dm na

Pauline del Rosario |March 25,2023
facebook
share this

DJ Chacha sa mga dyowa na mahilig mag-like, comment sa ‘sexy’ posts: Baka matawa pa ako pwera na lang kung nagd-dm dm na

Pauline del Rosario - March 25, 2023 - 11:10 AM

DJ Chacha sa mga dyowa na mahilig mag-like, comment sa 'sexy' posts: Baka matawa pa ako pwera na lang kung nagd-dm dm na

PHOTO: Instagram/@_djchachay

UMANI ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens ang latest Twitter post ni DJ Chacha.

Itinanong niya kasi kung, “Red flag ba kapag mahilig mag-like at mag-comment sa sexy videos and photos ang jowa mo?”

Naging hati naman ang naging pananaw ng mga nag-comment sa post.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Personally, I would see that as unfair to my partner kung nagla-like ako sa sexy vids and photos,” saad ng isang netizen.

Pagsang-ayon naman ng isa, “red flag, base on experience hahaha [peace sign emoji].”

Baka Bet Mo: DJ Chacha dinipensahan si Jake Cuenca sa mga bashers: Konting simpatya naman dyan

Tutol naman ng isang Twitter user, “Nope, lalo na kung mga sikat na tao ang nililike nya. Ex ko ganyan mahilig maglike ng sexy photos and videos ng mga girls. Then ipapakita nya sakin naaalala daw nya ako sa kanila.”

Sey ng isa pang netizen, “For me, ibang usapan na kapag nasa circle of friends ko or niya yung nila-like nya. Weird na yun.”

Hindi rin naman nagpahuling magbigay ng sariling opinion ang radio DJ at ayon sa kanya ay hindi ito red flag sa kanya kung hindi naman nag-uusap ang dalawa.

Pero paglilinaw niya ay may kanya-kanyang pananaw ang mga tao pagdating sa ganitong sitwasyon.

Sey ni DJ Chacha sa isang video clip, “Iba iba siguro tayo, sa akin siguro, kung may makikita akong nila-like si Mike na sexy photo ng girl or sexy video ni ganitong influencer na talagang parang for me, kahit nakalabas pa cleavage niya, ‘di ako magagalit. Baka matawa pa ako.”

Paliwanag pa niya, “Kasi para sa akin, wala namang masama. Pwera nalang siguro kung nagd-dm dm na tapos ‘yung intention – pagka mga ganun, ibang usapan na ‘yun.”

Dagdag din ng radio jock, “‘Pero pag nakita ko na si Mike nagco-comment ng fire, fire, fire o pwet, pwet, pwet mabubwisit ako.”

“Kung inopen mo na ‘to sa kanya and he still keeps on doing it, medyo parang ay teka amg disrespectful. Ulit ulit ko na ‘tong sinabi sayo. Bringing up sayo. Tapos hanggang ngayon ito pa rin issue batin,” aniya.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

DJ Chacha nakabili na ng sariling bahay: Mabuti talaga si Lord sa mga taong masisipag at patas ang galawan sa mundo

DJ Chacha hinamon ng ina ni Heaven: Mag-tag kayo kung talagang matapang kayo, wag puro parinig!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending