BABAE IBANDERA: 10 Pinay na kinilala sa buong mundo | Bandera

BABAE IBANDERA: 10 Pinay na kinilala sa buong mundo

Therese Arceo - March 24, 2023 - 04:39 PM

Ngayong ipinagdiriwang ang buwan ng mga kababaihan, narito ang 10 Pinay actress na kinilala ang galing

TALAGA namang nakaka-proud at napakasarap sa pakiramdam bilang isang babae ang makita ang kapwa Pinay na magkamit ng karangalan, mula sa larangan ng sports, beauty pageants, hanggang sa mga international film festivals.

At ngayon ngang ipinagdiriwang ang buwan ng mga kababaihan, narito ang 10 Pinay actress na kinilala ang galing hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Belle Mariano

Pinatunayan ng aktres na si Belle Mariano na she got what it takes para makilala hindi lang sa bansa kundi sa buong universe.

Nitong Setyembre 2022, kinilala ang dalaga bilang isa sa mga Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards para sa kanyang pagganap sa Kapamilya series na “He’s Into Her”.

Siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nakatanggap ng parangal mula sa naturang international award-giving body.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rise Artists Studio (@riseartistsstudio)

Jaclyn Jose

Hindi naman kataka-taka na isa ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose sa mga kinilala sa buong mundo dahil sa husay nito sa pag-arte.

Siya lang naman ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian actress na nagkamit ng prestihiyosong parangal bilang Best Actress sa 2016 Cannes Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Ma’ Rosa” directed by Brillante Mendoza.

Tinalo lang naman ni Jaclyn ang mga big stars na kapwa niya nominado para sa nasabing award na sina Charlize Theron, Kristen Stewart at Marion Cotillard.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Eugene Domingo

Not once, not twice, but thrice ang international awards na natanggap ni Eugene Domingo.

Noong 2012 ay nakatanggap siya ng Best Actress Award sa 3rd PAU International Film Festival sa France at People’s Choice Award for Best Actress sa 6th Asian Film Awards na ginanap sa Hong Kong para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Ang Babae sa Septic Tank”.

At noong 2013 naman ay pinarangalan siya ulit bilang Best Actress sa 26th Tokyo International Awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Barber’s Tales”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official)

Cherie Gil

From kontrabida to certified bida! Talagang karapat-dapat sa pangaral ang namayapang si Cherie Gil bilang Best Actress sa 2015 ASEAN International Film Festival and Awards na ginanap noong April 11, 2015 sa Malaysia.

Ito ay dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa indie film na “Sonata”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cherie Gil (@therealcheriegil)

Lea Salonga

Isa si Lea Salonga sa mga Filipino singers na talagang hinahangaan at ipinagmamalaki ng bansa.

Bukod dito, siya lang naman ang kauna-unahang Asian na pinarangalan ng Tony Award noong 1991 dahil sa naging pagganap niya bilang Kim sa stage musical na “Miss Saigon”. Aside from this ay nakatanggap din siya ng Olivier Award.

Siya rin ang kauna-unahang Pinay na nakapag-sign sa isang international record label noong 1993.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga)

Dolly de Leon

Sino nga ba ang hindi nakakikilala ngayon sa aktres na si Dolly de Leon? For sure ay ilang beses n’yo na ring nakita ang kanyang pangalan at larawan sa social media na talagang dasurv na dasurv!

Ilang dekada na rin siya sa larangan ng pag-arte ngunit ang kanyang kauna-unahang English-language stint sa pelikulang “Triangle of Sadness” ang nagbigay sa kanya ng maraming awards internationally.

Wagi siya bilang Best Supporting Performer sa nagdaang Los Angeles Film Critics Association at Best Actress in Supporting Role sa Guldbagge Award.

Umani rin siya ng nominasyon bilang Best Supporting Actress sa Golden Globe Award at National Society of Film Critics Award, Best Actress in a Supporting Role sa Satellite Award at British Academy of Television and Arts (BAFTA).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dolly de Leon (@dollyedeleon)

Therese Malvar

Sa murang edad ay pinahanga na ng aktres na si Therese Malvar ang buong mundo.

Hindi lang isa kung hindi tatlong beses nang pinarangalan internationally ang dalaga.

Nanalo si Therese o kilala rin bilang Teri ng Screen International Rising Star Asia Award sa 15th New York Asian Film Festival, Best Actress sa 38th Moscow International Film Festival at nagkamit rin ng Outstanding Artistic Achievement Golden Goblet Award sa 2016 Shanghai International Festival

dahil sa kanyang pagganap sa crime-drama film na “Hamog”.

Lahat ito ay nakamit niya noong siya 15 years old pa lamang. Amazing!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Therese Malvar (@theresemalvar)

Kylie Verzosa

Dream come true para kay Kylie Verzosa ang pagkakapanalo niya bilang Best Actress sa 2022 Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) para sa kanyang role sa pelikulang “The Housemaid”.

Mula sa pagiging beauty queen at pagkakapanalo bilang Miss International 2016 ay isa na namang parangal ang inuwi ng dalaga para sa bansa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)

Nora Aunor

Talaga namang isang legend nang maituturing ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor dahil siya pa lang ang Filipino actress na nagwagi ng parangal sa limang kontinente sa buong mundo.

Nagwagi siya bilang Best Actress sa 19th Cairo International Film Festival noong 1995 para sa pelikulang “The Flor Contemplacion Story”.

Wagi rin siya bilang Best Actress sa 1st East Asia Film and Television Award dahil sa pagganap niya sa pelikulang “Bakit May Kahapon Pa” noong 1997.

Hinirang rin siya bilang Best International Actress of the Decade sa Green Planet Movie Award.

Nanalo muli bilang Best Actress noong 2004 sa 31st Festival International du Film Indépendant de Bruxelles sa pagganap sa pelikulang “Naglalayag”.

Best Performance by an Actress naman sa Asia Pacific Screen Awards noong 2008 para sa pelikulang “Himala” at noong 2013 sa pelikulang “Thy Womb”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maging sa 3rd Sakhalin International Film Festival ay wagi itong Best Actress para sa pelikulang “Thy Womb”.

Tumanggap din siya ng Premio Della Critica Indipendiente award noong 2013 sa Venice International Film Festival at isa pa uling Best Actress sa St. Tropez International Film Festival para sa pelikulang “Dementia” noong 2015.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nora Aunor Official (@noravillamayor67)

Jodi Sta. Maria

Last but not the least, wagi ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria bilang Best Lead Actress sa nagdaang 2022 Asian Academy Creative Awards para sa kanyang role sa Philippine adaptation ng “The Broken Marriage Vow”.

Siya rin ang kauna-unahang Filipina na makatanggap ng award mula sa international award-winning body.

Labis ang sayang nadarama ni Jodi dahil ayon sa resulta ay 0.7 lang ang nilamang niya sa mga kapwa nominado na sina Sakshi Tanwar (India), Rebecca Lim (Singapore), Kim Hye Soo (South Korea), at Cheryl Yang (Taiwan).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nora Aunor Official (@noravillamayor67)

Maraming salamat sa pagiging inspirasyon at dahilan kung bakit ang sarap sarap sa pakiramdam na maging isang Pinay at sa pagpapatunay na hindi lang tayo basta babae kundi BABAE tayo.

Babae, ibandera! Taas noong ipagmalaki kung ano at sino ka!

 

Related Chika:
BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending