KNOWS n’yo ba na ang pelikulang “Dollhouse” na pinagbidahan ni Baron Geisler ay hango sa tunay na buhay ng Kapuso sexy actress na si Faye Lorenzo?
Yes, yes, yes mga ka-Marites! Ayon kay Faye, buhay nila ng kanyang tatay ang inilahad sa kuwento ng pelikula na umani ng papuri mula sa mga nakapanood nito sa isang streaming platform lalo na ang ipinakitang acting doon ni Baron.
Pagbabahagi ng dalaga sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, hindi niya inasahan na magugustuhan at susuportahan ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang kuwento ng “Dollhouse.”
Sabi ni Tito Boy kay Faye, “Hindi ko alam that the movie Dollhouse, ay inspired ng kuwento mo. Tell me more about it.”
“Yung story Tito Boy, base siya, ‘yung ginanapan ni Kuya Baron, story ko siya and my father. He was a drug addict,” tugon naman ng aktres.
Pagpapatuloy niya, “Medyo sensitive ako kasi baka i-judge siya ng mga tao pero nakakagulat nga kasi ang daming na-inspire doon sa story.”
Sey pa ng Kapuso star, “Hindi ako makapaniwala na ang dami rin palang katulad ko na pinagdaanan ‘yung ganu’n, na nagkaroon sila ng tatay na naging mahina. Ayon ‘yung ginamit na way, para makatakas sa problema at para maging matapang.”
Baka Bet Mo: Anjo umiiyak na nagkuwento tungkol sa naranasang depresyon, anxiety; Faye, Jelai walang inurungan sa TBATS
Sabi pa ng dalaga, sa kabila ng mga pinaggagawa ng kanyang ama, naging mabuting tatay maman daw ito sa kanya, “Kahit na naging ganu’n siya, hindi naging mabuting ehemplong ama. Hindi maganda ang tingin sa kanya ng mga tao, pero sa mata ko, Tito Boy, sa puso ko, mabuti po siyang ama.
“Kasi pinaramdam niya po sa aming magkakapatid kung gaano niya kami kamahal. Hindi po siya nagkulang itinaguyod niya po kami, kahit na iniwanan po kami ng mama ko,” paliwanag ni Faye.
Dahil sa matinding hirap na pinagdaan ng kanilang pamilya noon, bilang breadwinner, kung anu-ano ring diskarte ang ginawa niya para lamang masuportahan ang kanyang mga kapatid.
“Ako po yung panganay so naiwan po sa akin ang lahat ng mga kapatid ko, naiwan kami sa Lola ko. Kailangan mong isakripisyo ang pagkabata, ang pagiging bata mo na gusto mo naglalaro ka lang.
“Eh, kailangan mong alagaan ang mga kapatid mo na sunud-sunod kayo, kailangan kong magtrabaho ng ganung edad,” sabi ng aktres.
“Hininto ko ang school ko, nu’ng college, kasi hindi ko na kaya na sabay-sabay kaming nag-aaral magkakapatid,” aniya pa.
May mga pagkakataon ba na napagod din siya sa pagiging breadwinner? “Meron, Tito Boy. Maraming beses. Kinuwestiyon ko Siya (ang Diyos) na bakit ang dami? Bakit sunud-sunod ang hirap ng buhay. Ano ba ang kasalanan ko? Bata pa ako. Bakit ang laki ng obligasyon na binigay mo sa akin.”
“Kaya pala iyon ang mga pinagdaanan ko sa buhay kasi doon ako magiging matatag, masipag, humble, mapagmahal,” paliwanag pa ni Faye Lorenzo na regular na napapanood sa “Bubble Gang” ng GMA 7.
Erich Gonzales, Mateo Lorenzo ikinasal na; netizens may kanya-kanyang hugot sa wedding
Lolit Solis maligaya para kay Erich Gonzales: Ipinaglaban siya ni Mateo Lorenzo