Girls of Summer ng GMA hot na hot; Faye Lorenzo gustong dyowain ng male fans  | Bandera

Girls of Summer ng GMA hot na hot; Faye Lorenzo gustong dyowain ng male fans 

e, Ervin Santiago |May 28,2020
facebook
share this

Girls of Summer ng GMA hot na hot; Faye Lorenzo gustong dyowain ng male fans 

e, Ervin Santiago - May 28, 2020 - 11:37 AM

KAHIT nagsimula na ang pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa, hot na hot pa rin ang “Girls of Summer” ng GMA 7.

Mas makikilala na ng publiko ang mga sexy Kapuso artists na sina Faye Lorenzo, Liezel Lopez, Claire Castro, Angela Alarcon at Anna Vicente sa kanilang online feature na Girls of Summer.

Patapos na ang tag-init, at kahit na hindi natin mae-experience ang typical summer activities dahil sa pandemic na COVID-19, mas paiinitin pa lalo ng Kapuso celebrities na ito ang inyong pananatili sa bahay sa virtual summer break na kanilang handog.

Bago pa man nag-implement ng lockdown, nakapag-pool party ang Girls of Summer at ngayon ay gusto nilang ibahagi ito sa kanilang fans! 

Ikinuwento nila ang mga paborito nilang gawin tuwing summer at kung ano sana ang mga plano nilang puntahan.

Samantala, malakas pa rin ang hatak online ng patok na sketch nina Faye Lorenzo at Archie Alemania o ang tinaguriang Team FayeChie. Matapos kasing ipalabas ang kanilang “Shoplifter” sketch sa Bubble Gang noong Pebrero, humakot na ito ng mahigit 28.9 million views at ito pa ang most-viewed clip ng Kapuso gag show sa Youtube as of writing. 

Samantala, speaking of Faye Lorenzo, mukhang sinuwerte nga ang dalaga mula nang mapasama sa tropa ng Bubble Gang. 

Isa na siya ngayon sa mga inaabangan ng male viewers ng longest-running gag show ng GMA 7 dahil sa mga nakakaloka, nakakatawa at iskandalosang eksena niya sa BG.

May mga netizens pa nga ang nagsasabing gusto nilang makilala nang personal si Faye at maka-date dahil baliw na baliw sila sa kaseksihan nito lalo na kapag nanonood sila ng Bubble Gang.

Kilala man sa pagpapatawa si Faye, gusto niya rin daw gumanap bilang kontrabida sa isang serye. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi comedian ako. Masiyahin akong tao kaya gusto ko naman makita nila kung paano ako ng maldita naman,” pahayag niya sa panayam ng GMA.

Kuwento pa ng dalaga, pangarap niya talagang makilala bilang isang mahusay na artista, “Oo. Bata pa lang ako gusto ko na maging artista kasi gusto kong umarte. Gusto kong makilala and gusto kong makita ng mga tao na may talent ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending