Vice Ganda todo pasalamat sa madlang pipol: 'Grabe 'yung pagmamahal n'yo sa akin, kahit ang dami kong sablay' | Bandera

Vice Ganda todo pasalamat sa madlang pipol: ‘Grabe ‘yung pagmamahal n’yo sa akin, kahit ang dami kong sablay’

Ervin Santiago |March 22,2023
facebook
share this

Vice Ganda todo pasalamat sa madlang pipol: ‘Grabe ‘yung pagmamahal n’yo sa akin, kahit ang dami kong sablay’

Ervin Santiago - March 22, 2023 - 07:17 AM

Vice Ganda todo pasalamat sa madlang pipol: 'Grabe 'yung pagmamahal niyo sa akin, kahit ang dami kong sablay'

Vice Ganda at Ion Perez

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa lahat ng taong walang sawang sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Ito’y matapos siyang gawaran muli ng parangal at kilalanin bilang Most Trusted Entertainment & Variety Presenter ng Reader’s Digest sa ikalimang pagkakataon.

Ayon sa TV host-comedian, utang pa rin niya ang lahat ng natatanggap niyang tagumpay at blessings sa madlang pipol na until now ay nagtitiwala pa rin sa kanya sa kabila ng kanyang mga pagkukulang at nagawang pagkakamali.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Maraming, maraming salamat po. Hanggang ngayon pinagkakatiwalaan n’yo pa rin ako na magpatawa sa inyo every day, magbigay sa inyo ng saya, magpa-good vibes sa inyo sa ‘Showtime,’ sa mga vlog ko, sa pelikula ko,” ang simulang pahayag ni Vice sa “It’s Showtime” kahapon.

Baka Bet Mo: Darren Espanto naiyak nang ibahagi ang pangako sa magulang; Seth Fedelin umaming takot pa rin sa parents

Pagpapatuloy pa ng komedyante, “Grabe ‘yung pagmamahal niyo sa akin. Kahit ang dami kong sablay, patuloy niyo akong binibigyan ng pagkakataon para makabawi at pasayahin kayong muli.”

Sey pa ni Vice, isini-share niya ang natanggap na parangal sa mga kasamahan niya sa “It’s Showtime” partikular na sa partner niyang si Ion Perez, at sa pinakamamahal niyang ina.

“Nu’ng mga bata tayo, parang ang bongga ng Reader’s Digest tapos biglang naging cover ako ng Reader’s Digest, tapos ngayon pinaparangalan ako ng Reader’s Digest limang beses sunod-sunod. Maraming maraming salamat po,” mensahe pa ni Vice.

Bukod sa TV host-comedian, ang iba pang pinarangalan sa “Most Trusted” categories ay sina Mike Enriquez bilang Radio Presenter, Atom Araullo as TV Host For News & Current Affairs, at Alyssa Valdez bilang Sportsperson.

Ice Seguerra: Hindi kumpleto ang kuwento ng buhay ko kung wala si Tito Vic Sotto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon: Sa dami ng mga ‘anak’ ko sa showbiz, pinakaminahal at minamahal ko si Julia…napakatotoong tao!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending