Klea Pineda proud na ipinakilala sa publiko ang dyowa, umaming sa TikTok nagsimula ang kanilang love story
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Klea Pineda at Katrice Kierulf
NAPAIYAK ang girlfriend ni Klea Pineda na si Katrice Kierulf nang humarap on national television sa kauna-unahang pagkakataon.
Si Klea ang special guest sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon kung saan nga siya nagdetalye tungkol sa pag-come out niya bilang lesbian.
Natanong ni Boy Abunda si Klea kung isinaalang-alang ba niya si Katrice nang magdesisyon siyang aminin sa buong universe ang tunay niyang pagkatao.
“Na-excite siya for me, sobrang supportive niya sa akin and in-ask ko siya kung okay lang sa kanya kasi once na nag-out ako, mag-a-out na rin siya sa public,” ang tugon ni Klea.
“Ang sagot niya sa akin Tito Boy hinihintay lang naman kita. She’s very supportive talaga ever since, since day one,” sey pa ng aktres.
Ito naman ang message niya sa kanyang girlfriend, “Thank you for everything, hon. Thank you and I love you so much.”
At sa isang bahagi nga ng programa ay tinanong ni Tito Boy kung puwedeng humarap din si Katrice sa camera para makilala siya ng mga tagasuporta ni Klea.
In fairness, agad namang nagpaunlak si Katrice. Tinanong siya ni Tito Boy kung ano ang naramdaman niya habang nagsasalita si Klea tungkol sa kanilang relasyon.
“Naiiyak ako Tito Boy kasi finally she made it, she’s speaking her truth already to everyone and I’m so proud of her, so very heartfelt talaga ‘yung desisyon n’yo na ‘to,” sey ni Katrice.
“Do know that we’re always here for you. Me, your family, your friends and God,” sey pa ng dyowa ni Klea.
“Thank you for everything, honey. Thank you and I love you so much,” ang sagot naman ni Klea kay Katrice kasunod ng pagyayakapan nila nang sobrang higpit.
Sa kanyang Instagram, nag-post din si Katrice ng litrato nila ni Klea kalakip ang birthday message niya sa aktres, “It’s just so crazy how our paths crossed. How we would always wonder why everything just seems to fall into place.
“It may be mere coincidence or luck. But whatever it may be, I believe the stars aligned for us for a reason.
“I am beyond lucky to have met you in this lifetime, Klea. You are the most loving, patient, & generous soul I’ve ever met. I’m so proud to call you my girlfriend.
“Happiest Birthday, my love. I love you so much!!!
“To making more beautiful memories with you!”
Nauna nang nabanggit ni Klea kung paano sila nagkakilala ni Katrice, “Nakita ko lang siya sa TikTok and hindi ko ine-expect na meron kaming common friend. And then kinulit ko na ‘tong si common friend namin.
“Ako naman magpi-first move and then wala naman akong idea na kung she’s into girls ba, wala akong kaide-idea. I’m just shooting my shot kumbaga,” saad pa ni Klea.