Arci Muñoz aminadong nabaliw sa BTS, natulog sa kalsada ng Korea: ‘Wala na akong pera kaya kailangan ko nang magtrabaho’
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Arci Muñoz
“I’M glad that I’ve grown up with them,” ang sabi ng singer-actress na si Arci Muñoz sa panayam ni Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel nitong “Ogie Diaz Inspires.”
Inamin ni Arci na hindi na siya die-hard fan ng BTS boy band tulad nang dati na talagang panay ang lipad niya sa iba’t ibang bansa para sundan ang mga ito sa kanilang concerts.
Kuwento ni Arci kay Ogie, “Grabe tito (Ogie) ang pinagdaanan ko, nu’ng kami nina Hopie, nu’ng nagkita kami ni Liza (Soberano). Ako, natulog ako sa kalsada ng Korea, alas-singko ng madaling araw.
“Kasi gusto kong pumasok sa pop up store ng BTS na mag-o-open ng 10 in the morning. Nandoon ako 5 a.m. kasi 5 a.m. nandoon na ‘yung pila, to parking lots na kami. We were all waiting there in the cold.
“Until mag-open ‘yung store ng 10 in the morning nandoon ako limang oras ako in freezing cold. But I didn’t feel it that time because I was a fan girl. I was happy.
“It makes me happy and I’m looking forward and it’s such an experience for me. Ang dami kong experience tito bilang fan girl and ang dami ko ring natutunan,” ani Arci.
Tanong ng online host at content creator kung ano ang hindi malilimutan ni Arci bilang BTS fan, “Isa sa hindi ko makakalimutan kasi nag-camping ako sa lahat ng tindahan na nasa labas ng parking lot.
“Pangalawa ‘yung first time ko napanood ang BTS nasa Korea ako na pumila ako sa labas ng tindahan. Iba ‘yung excitement kasi first time mong makikita ‘yung idol mo, grabe umiiyak ako do’n.
“Pangatlo ‘yung New Years ako lang mag-isa. Ball drop before the pandemic nasa New York (USA). Lumipad ako ro’n mag-isa ako first time kong mag-spent ng New Year na mag-isa dahil kailangan kong panoorin ‘yung BTS once in a lifetime.
“That was five straight months I’m seeing them in every month, October in Korea, November in Japan, December I was in LA (Los Angeles) to see them and same month I was in New York to see them for 2021 countdown. From New York I flew to straight to Korea to see them again and then pak, pandemic!
“You see, I have no regrets, I did whatever makes me happy, ganyan sila kalapit at puwede ko nang hawakan, but of course I’m just a fan girl. I appreciate them even from afar and that’s okay,” paglalahad ng aktres.
Puwede bang ma-consider ni Arci na minsan ay naging lukaret siya sa BTS? “Oo, aminin ko hindi lang naman ako at hindi ko idya-judge kung ano ang nagpapasaya sa isang tao.
“Go lang actually very supportive pa ako. Mga co-armies ko hindi nila alam paano ko na-achieve ‘yung mga kalokohan ko, pero sabi ko go lang support kita basta happy ka,” saad ng aktres.
Sa ngayon ay nabawasan na ang pagiging fan girl ni Arci sa BTS “The appreciation and the love is still there but I’m not like that diehard-diehard. Hindi ko na gagawin ‘yung tulad ng mga ginawa ko before tapos na ako, I’ve grown up. Ha-hahaha!” natawang sabi ng aktres.
Sa tanong kung magkano lahat ang nagastos ni Arci sa kabubuntot sa BTS, “Hindi ko na nga maalalala. Ha-hahaha! Wala na akong pera kaya kailangan ko nang magtrabaho.
“Sabi ko balik na ako ng PIlipinas kailangan ko nang magtrabaho! Grabe maiintindihan ng mga fan girls ‘yan, tito!
“Pag may bibilhin ako kinukuwenta ko na hindi tulad dati na add to cart lang ako lagi, so, kung masyado nang expensive. Kasi dati kung four days ‘yung concert, four days din akong nandoon kahit pare-pareho lang rin ‘yung nakikita ko. Kaya nga sabi ko ‘yung last concert ko, ayaw ko na, okay na ako.
“At ngayong nag-lay low ako, dumarating ‘yung realizations na, ‘oh my gosh, ganu’n ako?’ Paano? But I have no regrets, they make me happy. Like if I’m having bad days, I listen to their music and I’m okay na,” pagtatapat ni Arci.