Arci, JM nag-trip sa socmed, ‘#from best friends to lover’ joke lang: It’s a prank!
“BUWISIT sila! Pinaglaruan nila ang netizens! Ha-hahaha!” Ito ang isa sa narinig naming komento tungkol sa ginawang “prank” nina JM de Guzman at Arci Muñoz.
Ito yung maikling video post ng aktres sa kanyang Instagram nitong Linggo kung saan makikitang magkasama sila ni JM sa Boracay kung saan ginamit niya ang hashtag na “from best friends to lovers”.
Ang interpretasyon ng mga nakakita sa post ng aktres ay nag-level up na ang relasyon nila ng binata na nagsimula nga sa pagkakaibigan. Pero napansin lang namin medyo seryoso ang aktor sa video at hindi sila sweet.
Anyway, napaniwala nga ni Arci ang publiko lalo’t kasama si JM sa family outing nila sa Boracay noong Marso at base sa video ng dalaga ay welcome na welcome na ang aktor sa buong pamilya niya.
Ang eksena ay nasa tabing dagat ang lahat at ang caption ng aktres ay, “Just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment on me vlog tomorrow. #mayforever #frombestfriendstolovers #righttime.”
Pero prank lang pala ito dahil bukod sa bakasyong pampamilya ang pagpunta nina Arci sa Boracay ay nag-propose rin ang bunso niyang kapatid na si Manolet Muñoz sa girlfriend nitong si Kris Lontoc.
“Puwede bang manligaw?” ang tanong ni JM kay Arci habang inaabot ang red roses pero pabiro siyang sinipa ng dalaga at pagkatapos ay inabot naman ito ng aktres sa future sister in law niya.
Si JM pala ang kumakanta ng background music habang nagpo-propose si Manolet kay Kris.
Sa tingin namin ay gusto talaga ni JM si Arci pero idinaan lang niya sa biro ang tanong niyang “puwede bang manligaw?” Sabi nga, kung minsan ang joke ay half-meant.
Pero mukhang BFF lang talaga ang tingin ng aktres sa aktor dahil ang bilis ng sagot nitong “No” sa tanong ng kaibigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.