Kim Molina, Jerald Napoles nagpaalam muna sa mga magulang bago mag-live in; dumaan din sa matitinding pagsubok
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jerald Napoles at Kim Molina
INALALA ng singer-actress na si Kim Molina ang pagsisimula ng pakikipag-live in niya kay Jerald Napoles ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Nagpapasalamat si Kim sa kanyang partner in life dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang minamahal, inaalagaan at nirerespeto ng komedyante.
Dahil nga rito, super appreciated daw ng kanyang mga magulang si Jerald at suportado nang bonggang-bongga ang kanilang pagsasama kahit wala pang basbas ng simbahan.
Ipinaliwanag din ni Kim kung bakit nagdesisyon sila ni Jerald na magsama na sa isang bubong na nagsimula noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
“Noong pandemic, he was there. When I was sick, siya ang naghuhugas ng kung anu-anuman. TMI (too much information), pero kapag may sakit ako, wala siyang pakialam, aalagaan talaga niya ako at nakita iyon ng parents ko. Iyong ganoong concern at pagmamalasakit,” simulang pagbabahagi ni Kim.
Eight years na ring magkarelasyon sina Kim at Jerald at naniniwala silang solid na solid na ang pundasyon ng kanilang relasyon. Aniya, itinuturing nilang biggest blessing ang pagdating sa buhay ng isa’t isa.
Taong 2020 nang magsama sa isang bahay ang reel and real life couple. Ito yung panahon na kailangan nang mag-lockdown sa buong Pilipinas dahil sa pandemya.
Mag-isa lamang kasi sa bahay ang aktres noon dahil nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang kaya naman nagkasundo sila ni Jerald na magsama na. Ngunit ayon sa magdyowa, hindi rin naging madali para sa kanila ang pagsisimula ng kanilang pagli-live in.
“Of course, during the beginning kasi meron kaming… pinipilit ko ang sarili ko. Pinipilit niya iyong sarili niya. Pero nagkaroon kami ng adjustment as we get along,” chika ni Jerald.
Sabi naman ni Kim, hiningi muna nila ang blessing ng kanilang mga parents, “I think ang pinaka-struggle namin, we had to explain to my dad.
“My family, especially my dad kasi is very traditional. Conservative. I’m more open with my mom. Tropa ko lang siya. Mas nakakapag-open ako sa kanya.
“Lumaki kasi ako sa Saudi. Legally, kailangan kong kasama lagi ang daddy ko, dependent ako sa kanya. Iyong ganoong may papers ka na kinakailangang ipakita sa lahat.
“Then, I went back to the Philippines when I was 16. We’re in college. Tapos sanay sila na traditional na dependent ako sa kanila.
“It just so happened that I’m blessed to have been let by my parents be independent when I was a teenager hanggang mag-20 years old na ako,” pagbabahagi pa ni Kim.
Dugtong pa niya, “Cut to noong nagka-pandemic, I had to explain to my dad na kailangang mag-move in kami together. Nag-aadjust pa lang sila sa public na mag-boyfriend na kami. Alam mo ‘yon?
“Nakakagulat na bilang magulang, bf ko na si Jerald. Nag-aadjust pa sila sa public na may bf na ang anak nila na artista rin na nakikita nila na alam nilang gumagawa rin ng pelikula.
“So, they have to the adjust to that culture also. And ako, nagkaroon pa ng pandemic, Je had to take care of me. I had to take care of him, kasama iyong mama niya. I think that’s one of the struggles.
“Nagkaroon ng discussion as to ano ang gagawin namin. So, my parents just have to build the trust na ngayon I’m just very grateful for,” aniya pa.