Classic hit ni Sharon Cunena na ‘Sa Aking Daigdig’ binigyan ng bagong tunog ni Hannah Precillas: ‘Super relatable ito!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Hannah Precillas at Sharon Cuneta
SIGURADONG alam na alam ng mga Sharonians ang kantang “Sa Aking Daigdig” na ginamit sa soundtrack sa isang blockbuster movie ng Megastar na si Sharon Cuneta.
Composed by Vehnee Saturno, ito ang naging themesong sa classic movie ni Ate Shawie na “Kaputol Ng Isang Awit” na ipinalabas noong 1991 kasama sina Gary Valenciano at Tonton Gutierrez.
Isa kami sa mga naging fan ng naturang kanta at ilang beses din naming napanood ang “Kaputol Ng Isang Awit” sa sinehan ilang dekada na ngayon ang nakararaan.
At ngayong 2023, GMA Music gives a modern arrangement of the song to cater to the younger generation who have never heard the song before.
Si Hannah Precillas ang napili ng GMA Music na magbigay ng bagong tunog sa kantang pinasikat ni Mega. Feeling blessed ang Kapuso singer at “All-Out Sunday” na siya ang kumanta ng bagong version ng song.
“Noong una napaisip ako kung paano kaya namin magagawang modern style itong classic ballad song.
“Medyo challenging talaga siya pero wala akong ibang ginawa kundi magtiwala sa GMA Music na mabigyan namin ng justice ‘yung outcome ng kanta. At ayun ang swerte ko kasi ang ganda ng kinalabasan nito,” ani Hannah.
Bakit napili nilang i-revive ang kantang “Sa Aking Daigdig”, “Isa sa reason is ang mabuhay natin ‘yung mga kanta before lalo na ngayon sa social media kapag nai-play natin ulit, magli-linger ito sa tainga ng mga Pilipino.
“And of course para tangkilikin ang sariling atin na OPM songs. Ang dami nating magagandang songs lalo na ‘yung mga dating nai-release na kaya goal din namin maipakita talaga ‘yung creativity ng mga Pilipino,” aniya pa.
Nakaka-relate naman daw si Hannah sa message ng song, “Super relatable ito sa akin ngayon. Marami rin kasi akong itinuturing na daigdig sa buhay ko.
“Siyempre hindi mawawala d’yan yung pamilya ko, friends, mga naging kasama ko sa trabaho, ‘yung aso ko, ‘yung mga collection ko rin na mugs, at yung partner ko,” aniya pa.
Listening to the latest songs helped her give ‘Sa Aking Daigdig’ a new life, “I listen to more modern songs para ma-adapt ko.
“May tendency kasi ako na kapag narinig ko ang isang classic old song, mapi-pick up ko siya kaagad at kapag kinanta ko ganu’n din ‘yung way ng pagkakakanta.
“So ang ginawa ko ngayon since modern style dapat, nakinig ako sa kung ano ang pwede maging peg ng kanta.
“Nakinig ako sa modern bands, ‘yung mga bagong singer ngayon, at mga bagong release na song para pwede ko siya mai-apply sa kantang ito,” pahayag ng Kapuso singer.
Promise naman ni Hannah sa kanyang Kapuso fans, “Marami pa kayong dapat abangan. Willing akong mag-risk at mag-explore pa sa career. Hindi lang sa pagkanta, kundi ngayon sinisimulan ko na rin sa pag-arte kaya maraming-marami pa silang pwedeng abangan sa’kin.”
Hannah’s latest single was #4 on iTunes PH’s Top 100 Songs chart upon its release and is included in Spotify’s New Music Friday playlist. Available na ito sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.