Enrique Gil gustong dyowain si Bea, balak ahasin kay Zanjoe? | Bandera

Enrique Gil gustong dyowain si Bea, balak ahasin kay Zanjoe?

Ambet Nabus - October 11, 2013 - 03:00 AM

Bea Alonzo at Enrique Gil

PINAUNLAKAN kami ng sandaling tsikahan ni Enrique Gil nang mapadaan ito sa programang “Mismo” sa DZMM noong Wednesday night, kung saan nakasama ko si Ogie Diaz, habang wala pa sina papa Jobert Sucaldito at papa Ahwel Paz.

Kung noong dinadalaw pa namin ito sa seryeng Princess And I ay mukhang kimi pa ito, aba’y sobrang napakalaki na ng improvement nito sa confidence level at matandain din ito sa amin. Bukod pa diyan na mas gumuwapo ito at tunay namang napakakinis ng balat.

Wala itong inurungang tanong kapatid na Ervin. Talagang proud siyang inamin na kung wala nga raw sanang Zanjoe Marudo si Bea Alonzo ay malamang na ligawan niya ito, “Sobrang maasikaso po kasi bukod sa talagang super crush ko na siya noon pa.

Nagugulat na nga lang po ako pagdating ko sa set na may pagkain siyang ibinibigay sa akin, sa aming lahat,” balik-tanaw ng binata na ka-triangle nga nina Bea at Dingdong Dantes sa nalalapit ng showing na “She’s The One” movie ng Star Cinema.

Kaya raw mas inspired siya ngayon at confident mag-work dahil feeling blessed siya sa mga nakakatrabaho niya like Bea, Dingdong and the rest of the cast, pati na sina direk Mae Cruz at iba pa. “I’m simply proud na naging taga-ABS at Star Cinema ako,” hirit pa ng aktor na nagpasampol ng kanyang sexy dance moves nang ibalita niya sa aming sa Nov. 29 na pala magaganap ang kanyang dance-song concert sa Araneta Coliseum kung saan namention pa niya sina Julia Montes, Angel Locsin at iba pang mga kapwa taga-ABS-CBN as his guests.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending