P-Pop group KAIA idinaan sa kanta ang pagdiriwang ng Women’s Month | Bandera

P-Pop group KAIA idinaan sa kanta ang pagdiriwang ng Women’s Month

Pauline del Rosario |March 18,2023
facebook
share this

P-Pop group KAIA idinaan sa kanta ang pagdiriwang ng Women’s Month

Pauline del Rosario - March 18, 2023 - 03:54 PM

P-Pop group KAIA idinaan sa kanta ang pagdiriwang ng Women’s Month

PHOTO: Instagram/@kaia.officialph

NAKIKIISA rin sa pagdiriwang ng “International Women’s Month” ang Pinoy pop girl group na KAIA.

At ‘yan ay idinaan nila sa kalalabas lang na bagong kanta na pinamagatang “5678.”

Ang kanilang dance-pop track ay tungkol sa mga kababaihan na handang harapin ang lahat anuman ang sabihin ng ibang tao, ayon sa pahayag ng grupo na inilabas ng Sony Music.

Bukod diyan ay nagsisilbi rin daw itong inspirasyon sa lahat na huwag sumukong abutin ang mga pangarap.

“This is a living testament that we’re always trying to make it on our own terms, one step at a

time, without looking back,” sey ng KAIA.

Baka Bet Mo: P-Pop girl group ‘KAIA’ magpapaindak sa bagong dance-pop single na ‘Turn Up’

Lubos pa silang nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanila at tiniyak na magbibigay ng pag-asa sa pamamagitan ng mga ilalabas nilang mga kanta.

Saad nila, “We are thankful for the opportunities that are presented to us, and we promise to deliver a message of positivity and hope in our songs, as a way to give back to our supporters.”

Ang bagong kanta ng P-Pop group ay collaboration din ng Korean music producer na si Ohwon Lee na siya ring nag-produce ng award-winning single na “Go Up” ng P-Pop sensation na SB19.

As of this writing ay isang araw pa lang inilabas ang bagong kanta pero libo-libong fans na ang napa-comment.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Sila talaga ang fave ko sa ppop girl group. Hindi lang magaling sumayaw at kumanta, magaling rin mag compose ng kanta. We love you girls [red heart emoji].”

“Another Hype Song nanaman  na pwedeng Sayawin…..Grabe ang Ganda!!! Kudos to You KAIA!!”

“KAIA never disappoints!!!!! grabe simula sa blah blah at KAYA , hanggang ngayon !!! luv u mga ferson !!!!”

Ang “5678” ay kabilang din sa tracklist ng kanilang debut album na nakatakdang ilabas ngayong taon.

Matatandaang Abril ng nakaraang taon nang opisyal na ipinakilala ang grupong KAIA sa publiko.

Kasabay rin niyan ang pag-release ng kanilang debut single na pinamagatang “Blah Blah.”

Binubuo ang KAIA ng limang miyembro na sina Charlotte, Angela, Sophia, Alexa at Charice.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

EXCLUSIVE: Kilalanin ang bagong P-pop girl group na ‘Yara,’ mga dapat abangan ng fans

BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending