Joshua De Sequera national director na ng bagong pageant | Bandera

Joshua De Sequera national director na ng bagong pageant

Armin P. Adina - March 18, 2023 - 03:17 PM

Joshua De Sequera national director na ng bagong pageant

Mister Pilipinas Worldwide National Director Joshua De Sequera/ARMIN P. ADINA

UNTI-UNTING umuukit ng pangalan si Joshua De Sequera, malayo sa anino ng ina, ang 90s top model na si Marina Benipayo na nakilala rin bilang Binibining Pilipinas winner at aktres. Tinahak man ng anak ang landas ng modeling at pageants na pinamayagpagan ng ina, ngunit hawak niya ngayon ang isang puwestong hindi nakuha ng ina.

Si De Sequera na ngayon ang national director ng bagong national pageant para sa mga lalaki, ang Mister Pilipinas Worldwide contest, na pipili sa mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa tatlo sa pinakaprestihiyosong pandaigdigang patimpalak na panlalaki—ang Manhunt International Male Supermodel, Mister Global, at Mister Supranational.

Sa isang social media post noong Marso 10, hinayag ng Mister Pilipinas Worldwide pageant ang pagkakatalaga kay De Sequera bilang national director ng organisasyon, ang mangunguna sa pagpili ng mga Pilipinong gagawaran ng mga titulong Mister Pilipinas Supranational, Mister Pilipinas Global, at Mister Pilipinas Manhunt Supermodel.

Beterano na rin sa larangan ng mga patimpalak si De Sequera. Siya ang nanguna sa dibisyong panlalaki ng 2019 Global Asian Model Philippines search, at kinatawan ang Pilipinas sa 2022 Manhunt International Male Supermodel contest kung saan siya hinirang na first runner-up.

Naglabas din ng anunsyo sa social media page kung saan nakasaad ang kolaborasyon para sa patimpalak ng Empire Philippines, Oxin Films, at ng international Filipino pageant shoe designer na si Jojo Bragais, ang official footwear provider ng ika-69 at ika-71 edisyon ng Miss Universe pageant.

Baka Bet Mo: May asawa at mga tatay pwede nang sumali sa Mister International PH pageant

Pinadala ng Empire ang kinatawan ng Pilipinas sa huling dalawang edisyon ng Manhunt International contest, at nagpadala rin ng kalahok ng bansa sa Mister Global search noong 2022. Ngunit ito ang unang pagkakataon na nakuha nito ang prangkisa para sa Mister Supranational competition.

Pinangungunahan ang Empire Philippines ni Jonas Gaffud, ang creative and events director ng Miss Universe Philippines organization. Naging judge din siya sa katatapos na Mister Global competition na itinanghal sa Thailand noong isang buwan.

Nagsimula na ang screening ng mga aplikante para sa Mister Pilipinas Worldwide. Maaaring pumunta ang mga interesado sa ikaapat na palapag ng Estancia East Wing sa Pasig City sa Marso 21, 24, 27, at 30, mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon. Bukas ito sa mga Pilipinong mula 18 hanggang 35 taong gulang, at hindi bababa sa 5’8” ang taas. Mag-email sa [email protected] para sa karagdagang detalye.

Related Chika:
Pilipinas back-to-back ang pagkapanalo sa Mister Gay World

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss World Philippines 2022 ibinandera ang Top 10 finalists sa top model competition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending