Ashley Ortega sa nakaraan nila ni Juancho Triviño: My first love and my first boyfriend

Ashley Ortega sa nakaraan nila ni Juancho Triviño: My first love and my first boyfriend

TILA napasigaw sa kilig ang aktres na si Ashley Ortega matapos balikan ang nakaraan nila ng aktor na si Juancho Triviño.

Sa isang segment ng programang “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong ng King of Talk na si Tito Boy si Ashley kung na-fall na ba siya sa leading man.

Mabilis na sagot ni Ashley ay “yes.”

Nang tanungin siya ni Tito Boy kung sino ito, mabilis na sinabi ng aktres na ito ay si Juancho.

Chika pa ni Ashley, “He was my first boyfriend. Naging out naman kami dati.”

“First love and my first… Waahhhh!,” dagdag pa niya sabay tili.

Baka Bet Mo: Xian Lim, Ashley Ortega hindi niloloko si Kim Chiu: Trabaho lang, walang personalan

Kung matatandaan, naging tampok ang dalawa sa ilang teleserye ng GMA gaya ng InstaDad, My Destiny at Maynila.

Sa kasalukuyan, may sarili nang pamilya si Juancho sa celebrity host na si Joyce Pring at mayroon silang dalawang anak.

Habang si Ashley naman ay happily single matapos ang hiwalayan nila ng dating boyfriend na si Lucena Mayor Mark Alcala noong nakaraang taon.

Ang latest project ngayon ni Ashley ay ang primetime series na may titulong “Hearts on Ice” at ‘yan ang kanyang kauna-unahang lead role niya sa teleserye.

Related chika:

Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga

Read more...