DALAWANG young artists ang nais i-mentor at matutukan ng pop-rock royalty na si Yeng Constantino pagdating sa musika.
At sila’y walang iba kundi ang kapwa-artista na sina Janine Berdin at Janella Salvador.
Sa isang media conference na kung saan ay ni-renew ni Yeng ang pagiging global ambassadress sa “Academy of Rock (AOR)” ay inisa-isa ng singer kung ano ang nakita niya sa dalawa na sa tingin niya ay may ilalabas pang galing.
Unang chinika ni Yeng si Janine at sinabing tila nakikita niya raw ang kanyang sarili sa young singer.
“There’s just something about her parang nakikita ko nung batang ako,” sey niya.
“Even po ‘yung time na na-confused ako sa genre ko, nakikita ko sa kanya ‘yung transition niya to discover what she wants to do in her music and her image,” chika pa niya.
Baka Bet Mo:
Dagdag pa niya, “Talagang napakalaki po ng potential niya. You see her hunger, her passion.”
“Exciting ang mga gano’ng bata na maturuan kasi kung ano ang itinanim mo, siguradong tutubo. So siya po talaga ang gusto ko,” ani pa ni Yeng.
Isa pa sa mga hinangaan ng pop-rock royalty ay si Janella na kaya raw kantahin ang iba’t-ibang genre.
“Alam niyo po bang napakagaling din kumanta si Janella Salvador. Parang hindi pa po niya napapakita lahat,” tuwang-tuwang sinabi ni Yeng.
Patuloy pa niya, “Kaya niya kumanta ng theater, kaya niya ang pop, kaya niyang kumanta ng ballad.”
“So kung dumating ‘yung point sa career niya na gusto niyang ilabas ang music sode niya, nandito lang si Ate Yeng. Mag-iinvest ako sa’yo dai,” mensahe pa niya kay Janella.
Dagdag niya, “Narinig ko lang siyang kumakanta sa dressing room. I think she’s better than me when it comes to belting pa nga e.”
“Pwede ko siyang turuan kahit sa projection, kung kailangan pa niya ilabas ang music side niya sa area na ‘yun, matutulungan ko pa siya,” aniya pa.
Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang AOR ay ang sikat na music school sa Singapore na nagsimula pa noong 2007.
Ngayon ay dinala na ito sa Pilipinas sa ilalim ng partnership ng Global Academy of Rock na nasa Quezon City.
Ang academy ay may mga kursong guitar, drums, voice, bass, piano at ukulele.
Related chika:
Yeng sa pagpanaw ng ina: After four days mula nang mawala siya, saka lang ako nakaiyak