Yeng Constantino excited sa ipinatatayong bagong bahay sa Quezon | Bandera

Yeng Constantino excited sa ipinatatayong bagong bahay sa Quezon

Therese Arceo |February 08,2022
facebook
share this

Yeng Constantino excited sa ipinatatayong bagong bahay sa Quezon

Therese Arceo - February 08, 2022 - 08:13 PM

Yeng Constantino excited sa ipinatatayong bagong bahay sa Quezon
MASAYANG ipinakita ng Kapamilya singer na si Yeng Constantino ang kanilang future house sa kanilang farm sa Quezon.

Sa kanyang vlog ay ipinasilip niya ang ginagawang bahay nilang mag-asawa.

Aniya, napagdesisyunan na raw nilang mag-asawa na magpatayo ng bahay sa kanilang farm dahil madalas na rin naman silang nagpupunta rito para bisitahin ang ama pati na rin ang kanyang kapatid na so Cookie.

“Palagi akong bumibisita dito sa aming farm para bisitahin ang aking ama sy ang kapatid kong si Cookie sy nandito na,” saad ni Yeng.

Pinakilala rin ng singer si Mang Fred na siyang punong abala sa kanilang ginagawang bahay. Ito rin daw ang may gawa ng bahay ng kanyang ama pati na ron ng resort nila sa Zambales.

Sa video ay mahahalatang kakasimula lang nilang magpatayo ng ang bahay at hindi pa ganon karami ang improvements.

“Skeleton pa lang. Hindi pa buo pero we’re very excited. Sabi ni Mang Fred baka Marso po no?” pagkukwento ni Yeng.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yeng Constantino too (@yengconstantino)

Kwento pa niya, napakaraming puno ng buko ang kinakailangan nilang putulin sa kanilang pag papagawa ng bahay para na rin sa kanilang kapakanan.

“Anim na puno ang pinutol namin sa area na to. Medyo heartbreaking nga kasi parang nung nabili namin to, nandito na sila… but we have to cut them for our safety,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagpapagawa ng bahay ay nais ring magtanim pa nina Yeng ng mga karagdagang puno sa kanilang farm para makatulong na makaiwas sa landslides.

Sa katunayan ay nakapagtanim na sola ng isang daang puno ng Mahogany.

Kamakailan ay nag-trending si Yeng kasama si Ryan Bang matapos ang kanilang nakakalokang rebelasyon.

2010 raw kasi nang manligaw si Ryan kay Yeng ngunit bigla na lang itong tumigil sa pagpaparamdam dahil sa pag-aakalang hindi siya gusto ng singer bagay na hindi alam ngangnangawit dahil never na silang nag-usap matapos bumitaw ni Ryan.

Kwento ni Yeng, inakala niya na napagod na si Ryan kakaantay sa kanya kaya ito tumigil sa panliligaw.

Kaya naman marami ang na-shock dahil sa love story na maaaro sanang mabuo kung naging maayos lang ang kanilang kumunikasyon sa isa’t isa.

Nagkaroon naman ng closure ang dalawa matapos magkaaminan at magkalabasan ng kani-kanilang panig ng kwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagamat maramo rin ang kinlig, wala nang chance ang dalawa dahil happily married na si Yeng sa asawa nitong si Yan Asuncion.

Related Chika:
Yeng Constantino, Ryan Bang muntik nang maging mag-dyowa: Bigla na lang siyang nawala!
Hugot ni Yeng: Lagi kong tinatanong noong bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending