Joseph Marco walang tigil sa 'pabakat', pinagpiyestahan ng netizens | Bandera

Joseph Marco walang tigil sa ‘pabakat’, pinagpiyestahan ng netizens

Therese Arceo |March 16,2023
facebook
share this

Joseph Marco walang tigil sa ‘pabakat’, pinagpiyestahan ng netizens

Therese Arceo - March 16, 2023 - 10:14 PM

Joseph Marco walang tigil sa 'pabakat', pinagpiyestahan ng netizens
MULI na namang pinainit ng aktor at modelong si Joseph Marco ang social media dahil sa bagong upload nitong “pabakat”.

Mukhang masayang-masaya na naman ang mga Marites sa bagong ayuda na hatid ng aktor.

Saad ni Joseph sa kanyang caption, “Let your underwear do the talking.”

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment sa naturang post ng aktor.

“Hello Joseph Marco na minus points ako sa langit dahil sa caption mo,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ilayo mo ako tukso pls baka mas piliin ko na lang maging underwear for a while.Hahahahaha charot.”

“Hindi ko kinakaya mga post mo ngayon Joseph Marco ahhh. Magkakasala kami sayo,” sey naman ng isa.

Hirit pa ng isa, “Oo na Marco, ikaw na pinagpala ni Lord.”

Baka Bet Mo: Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life

Matatandaang unang ginulat ng aktor ang madlang pipol nang mag-post ito noong Valentine’s Day na agad nag-trending at pinagkaguluhan ng netizens pati na rin ng iba pang celebrities.

Marami pa nga ang gumaya at lumaban sa pabakat ni Joseph ngunit tila ito pa rin ang nagwagi.

Sumunod na nagpainit ang aktor noong kasagsagan ng Ash Wednesday at tulad noong una ay nag-trending rin ito.

Pag-amin naman ni Joseph noon sa isang interview, talagang ipinagpaalam pa niya sa kanyang magulang ang pag-e-endorse ng isang kilalang underwear brand.

I am really glad na pinayagan ako ng parents ko to do an underwear endorsement kasi first time ko yon. Mabuti nga, pumayag sila,” lahad ni Joseph.

Dagdag pa niya, inatake raw siya noon ng anxiety at stress bago pa man niya ibandera sa madla ang kanyang larawan na nakasuot lamang ng underwear.

“To be honest, I was so stressed before I posted that. I was very anxious. Kasi I was in New Zealand at that time and I had to post it because it’s gonna be the launching of the new endorser. I was just happy na okay naman yung naging result,” sey ni Joseph.

Related Chika:
Joseph Marco sobrang na-stress, inatake ng anxiety bago ibandera ang viral ‘pabukol photo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joseph Marco ginulat ang madlang pipol sa pa-‘bakat’, Rosanna Roces shookt: Nagkakasala ako nito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending