Michael Pangilinan sinita, biro sa estudyante na 'para makagawa tayo ng baby' hindi nagustuhan ng netizens | Bandera

Michael Pangilinan sinita, biro sa estudyante na ‘para makagawa tayo ng baby’ hindi nagustuhan ng netizens

Therese Arceo - March 16, 2023 - 04:18 PM

Michael Pangilinan sinita, biro sa estudyante na 'para makagawa tayo ng baby' hindi nagustuhan ng netizens
TRENDING ngayon ang singer na si Michael Pangilinan dahil sa pag-call out ng mga netizens sa hindi nito magandang biro sa babae mula sa audience nang mag-perform ito sa isang unibersidad sa Cavite.

Nagulat raw ang netizen na present rin sa naturang school concert sa intro ng singer sa babaeng pinaakyat ng stage bago siya kumanta.

“Ang sh*t ng intro ni Michael Pangilinan sa concert dito sa dlsud! So before siya kumanta, nagpaakyat muna siya ng audience. He asked if she’s single and all ‘para makagawa tayo ng baby’. Hindi ko lang navideohan. If nandito ka rin tonight, & may video ka, feel free 2 comment!” tweet ng netizen.

Dagdag pa niya, “Imagine hearing those, women’s month pa man din!!! Sana kapag ganito, ibagay sa audience ang intro!!! Students yung audience, Kel di ka na nahiya??? And no, I won’t tolerate all that!!!”

Aniya, ang kaya raw pala nito nasabi ang paggawa ng baby ay dahil “I’ll Make Love To You” ang kakantahin ni Michael. Nagtanong pa raw ito kung pwedeng i-kiss ang babae st hindi raw ba ito papagalitan ng magulang at tinanong pa ang babae kung anong number nito.

Nasa legal na edad naman na daw ang babae pero hindi pa rin maganda ang mga binitawang salita ng singer.

“There’s a lot of ways to have an opening speech before singing a song and Michael Pangilinan literally chose to disrespect women. Happy Women’s Month, I guess???” hirit pa ng netizen.

May mga nagkomento rin ng mga video na kuha mula sa concert na susuporta sa pahayag ng netizen.

Baka Bet Mo: Michael Pangilinan binastos ng bading, hinalikan sa lips

May isang netizen pa na hindi rin nagustuhan ang ginawa ng singer at sinabing safe space ang kanilang paaralan.

“Sana next time kung magpeperform ka Michael Pangilinan (official) kumanta kana

lang at di kung ano ano sinasabi mo! DLSU-D has a safe space act, which means all of us are protected from any kind of kabastusan!

“AT sa school ka nagpeperform hindi sa kung anong music fest. Yung joke mo or whatever shit you spouted on that stage tonight was DISGUSTING,” sey ng netizen.

Wala pa namang pahayag si Michael hinggil sa isyu.

Bukas ang BANDERA para sa reaksyon o pahayag ng mang-aawit patungkol sa isyu.

Related Chika:
Erap, Vice, Boy may pasabog sa 21st b-day ni Michael Pangilinan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Michael Pangilinan itinuloy ang b-day concert kahit nagluluksa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending