Swerte ka ba this week o nganga na naman? Alamin sa BanderaScope ang inyong kapalaran! | Bandera

Swerte ka ba this week o nganga na naman? Alamin sa BanderaScope ang inyong kapalaran!

Therese Arceo |March 13,2023
facebook
share this

Swerte ka ba this week o nganga na naman? Alamin sa BanderaScope ang inyong kapalaran!

Therese Arceo - March 13, 2023 - 01:05 PM

 

LUNES na naman, may energy ka na ba? Malapit na ang sahod, besh! Makakapag-borger at melkti ka na rin. Kapit lang. Darating rin ang biyaya na for sure ay dadaan lang rin sa palad mo. ‘Di ka pa ba sanay? Eme!

Kidding aside, nandito na ang iyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Rhyming yan, ‘di mo keri!

Halina’t alamin ang iyong weekly horoscope to start your week right lalo na sa mga taong ginawang personality ang kanilang zodiac sign. Oo, ikaw. Lilingon ka pa eh. 2023 na, amaccana accla! Chareng.

ARIES (March 21-April 19)

Take it easy, aking bessy. Kung ipagpapatuloy mo ang todo-todong trabaho, paniguradong gamit na gamit mo na naman ang health card at sick leave mo. Subukang magpahinga, hindi ikaw ang may-ari ng kumpanya.

Lucky Color: Peach

Lucky Number: 16

Song of the day: Burnout by Sugarfree

 

TAURUS (April 20-May 20)

Bongga ka ‘day dahil for today’s vidyow, isang magandang balita ang matatanggap mo. Salary increase? Promotion? Libreng lunch? Sign na matagal mo nang hinihiling sa universe? Today is the day! Huwag lang masyadong atat para ang biyaya ay pakak na pakak! Kuha mo?

Lucky Color: Purple

Lucky Number: 23

Song of the Day: Bongga Ka ‘Day by Hotdog

 

Baka Bet Mo: Luis hinamon si Derek: Mag-video call tayo nang hubo’t hubad!

 

GEMINI (May 21-June 20)

Maski ang universe, nalilito na sa mga gusto mo sa buhay. Indecisive ‘yarn? What if maglakad-lakad ka muna at magmuni-muni? Or try mong maghilamos ulit. Baka mahimasmasan ka. For now, mag-contemplate ka muna. Balikan kita kapag nakapag-decide ka na.

Lucky Color: Blue Green

Lucky Number: 12

Song of the Day: Mahal Ko O Mahal Ako by KZ Tandingan

 

CANCER (June 21-July 22)

Buti na lang at hindi mo niliteral ang pagiging kanser, tropang Cancer. Chill lang ang takbo ng araw mo today. May chance rin na magkapera ka. Mukhang nauntog na ang nangutang sa ‘yo at siya mismo ang magme-message para magbayad. Pwede mo na siyang tanggalin sa listahan ng mumultuhin mo. Chos.

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 18

Song of the Day: Kathang Isip by Ben & Ben

 

LEO (July 23-August 22)

Marami kang maririnig na mga bubuyog sa paligid na bulong nang bulong at mahilig mangialam sa mga desisyon mo. Deadma na lang sa mga bashers. O kung hindi mo na matiis, hingian mo ng payb tawsan kada kuda para naman may ambag sila sa buhay mo. Huwag na ‘yung jacket, baka lalong uminit ulo mo.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 14

Song of the Day: Jopay by Mayonnaise

 

VIRGO (August 23-September 22)

Take a break at mag-file ka muna ng leave para makapag-isip isip. Masyado ka nang overwhelmed sa work at sa personal life. Stop ka muna saglit. Do it one at a time. Sige ka, baka bigla ka na lang sumabog at makapagsabi ng masasamang words. Hiyang-hiya naman ang Mt. Pinatubo ‘pag nagkataon, beshy.

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 29

Song of the Day: Cool Ka Lang by Prettier Than Pink

 

LIBRA (September 23-October 22)

Hindi rason ang kalungkutan para hindi maligo. Nangangamoy ka na, oras na para bisitahin ang banyo. Kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon, chat mo na ang mga tropa. Shot puno gamit ang basong pang halo-halo tutal mahilig kang mag-send ng mixed signals. Chareng.

Lucky Color: White

Lucky Number: 9

Song of the Day: Beer by Itchyworms

 

SCORPIO (October 23-November 21)

Kung nasa “Pinoy Big Brother” ang lahat ng zodiac signs, for sure ikaw ang unang nominee at evictee! Try naman nating i-tone down ang pagkakaroon ng main character syndrome. Wala tayo sa wattpad, umayos ka.

Lucky Color: Orange

Lucky Number:15

Song of the Day: Pasensya Ka Na by Silent Sanctuary

 

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Communication is the key kaya naman ugaliing sabihin kung ano ang tunay mong feels. Learn to say “no” at palaging ipaglaban kung ano ang nararapat sa tamang paraan. #NoToJeepneyPhaseOut

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 27

Song of the Day: Halaga by Parokya ni Edgar

 

CAPRICORN (December 22-January 19)

Now is the time para i-mute, i-unfollow, or i-unfriend ang mga kaibigang palagi ka lang naaalala kapag may kailangan. Maging maingat ka lang dahil for sure, ikaw ang magiging pulutan sa next set ng inuman. Isipin mo na lang na kahit wala ka, may ambag ka pa rin sa kanila. Sino ka dyan, bHiE?

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 3

Song of the Day: Tuloy Pa Rin by Neocolours

 

AQUARIUS (January 20-February 18)

Focus tayo sa goals, mare! Huwag nating iasa sa lucky charms ang magiging kapalaran natin. Sabi nga ni Mimiyuuuh, “Work po tayo!” Lunes na lunes, gusto mo agad mag-weekend. Amaccana!

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 25

Song of the Day: Kisapmata by Mojofly

 

PISCES (February 19-March 19)

May bagong magpapatibok ng puso mo and I think kaka-kape mo ito! Road to palpitation ka talaga nang malala kung hindi mo ito babawasan. Pero give na namin sa ‘yo dahil isang malaking tanong na babago sa buhay mo ang mae-encounter mo ngayon. Basta ang dapat mong isagot ay “Banker, higher please!”

Lucky Color: Indigo

Lucky Number: 10

Song of the Day: Time In by Yeng Constantino

 

FOR TODAY’S BIRTHDAY CELEBRANT

Maligayang kaarawan, mars! Today is your lucky day. Mabuhay ka hangga’t gusto mo kaya huwag kalimutan ang pa-pansit at pa-shanghai sa madlang pipol. At sana isama mo sa mga handa mo for chudeii ang pagkahanda mo na kalimutan siya. Kimmy!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 13

Song of the Day: HBD by Donnalyn Bartolome

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat na horoscope ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Meron tayong freewill, gamitin natin yarn. Emz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Other Chika:
Luis galit na galit sa mga nale-late; bakit ‘Lucky’ at ‘bako-bako’ ang tawag sa kanya noong bata?

Angelina Cruz na-challenge bilang ‘third wheel’ sa DonBelle loveteam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending