Creative Manager ng seryeng 'Forevermore' ni Liza bumanat na rin: 'Nakikipagplastikan lang pala siya...' | Bandera

Creative Manager ng seryeng ‘Forevermore’ ni Liza bumanat na rin: ‘Nakikipagplastikan lang pala siya…’

Reggee Bonoan |March 12,2023
facebook
share this

Creative Manager ng seryeng ‘Forevermore’ ni Liza bumanat na rin: ‘Nakikipagplastikan lang pala siya…’

Reggee Bonoan - March 12, 2023 - 10:33 AM

Creative Manager ng teleserye ni Liza Soberano bumanat na rin: 'Nakikipagplastikan lang pala siya...'

Liza Soberano

ISA-ISA nang naglalabas ng kanilang saloobin ang mga nakatrabaho ni Liza Soberano sa ABS-CBN dahil sa paiba-iba nitong pahayag sa vlog ni Bea Alonzo at sa “Fast Talk With Boy Abunda.”

Nang lumabas ang “This is Me” vlog ni Liza ay marami na ang nag-react at inakusahan siyang walang utang na loob sa mga nakatulong sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Nagreklamo kasi siya na nakakahon lang ang kanyang karera sa showbiz at iisang aktor lang ang nakatrabaho niya bilang leading man, si Enrique Gil at tatlong direktor lang din ang nagdirek sa kanya.

Sa lie detector test interview ni Bea kay Liza ay mas nawindang ang netizens ang ilang executives ng Kapamilya network matapos ibuking na ang pelikulang “Hello Love Goodbye” ay unang inialok sa kanila ni Quen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Pero dahil may iba siyang project noon kaya inialok sa iba at nalaman niyang ang boyfriend niya sana ang leading man ni Kathryn Bernardo sa movie pero umamin si Liza na umapela siya dahil baka hindi tanggap ng fans kung wala na ang LizQuen at higit sa lahat, comfort zone ng dalaga ang aktor.

Sa panayam naman niya kay Kuya Boy sa GMA, ay may mga pagbabago na namang mga sinabi ang dalaga kaya napapailing na lamang ang mga manonood.

Aniya kay Kuya Boy, hindi siya nabigyan ng laya kung ano ang gusto niyang gawin sa showbiz career niya. Sinubukan daw niyang mag-suggest pero dinedma siya at sinabihang sumunod muna siya dahil wala pa siyang napapatunayan. May tumawag din sa kanya ng “little producer.”

Hindi na napigilan ng creative manager ng TV series na “Forevermore” na si Jay Fernando na magbigay ng saloobin sa kanyang Facebook account.

Aniya, “Forevermore lang ang naging project ko with Hope. I liked her then. I thought she liked us too nu’ng nasa Baguio kami at nagtratrabaho.

“I thought she liked what she did. I wished she did. Back then I thought we created magic, brought La Presa to and created a beautiful moment in out lives.

“Hanggang ngayon nakatayp pa rin ‘yun du’n. I guess that’s how it is, nakikipagplastikan lang pala siya. I hope she finds success and joy in wherever she would like to go after burning bridges. More than that i hope she find herself and be well,” sabi ni Jay.

Pero kinorek ng netizen na si @iamgie_15 ang creative manager, “Napanood ko ang interview, parang wala naman s’yang paharing na ‘di niya gusto ang ginagawa niya. Nag-suggest lang s’ya na kung pwede ganoon or ganyan. Nag keep distance na lang s’ya kasi nababalitaan niyang sinasabihan siya na ‘little producer’.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Maraming nag-agree kay @iamgie_15 tulad ni htennekdesuyo, “@iamgie_15 trueee.”

Payo ng netizen na si @jdthvlnzl, “Publicity tactics lang ni Hope ‘yan kaya ‘wag napatulan. Hayaan na lang siya gumawa ng name sa Hollywood. Goodluck.”

Marami kaming nabasang agree sa mga paliwanag ni Liza kay kuya Boy kesa sa mga hindi sang-ayon.

Samantala, viral ang payo ni Direk Benedic Mique kay Liza na magpalit na lang ng management company.

Sabi ng isa sa direktor ng “Darna”, “Liza Soberano, I think it’s time to change management. You are being handled not only by careless but stupid people, thinks fake news are facts?”

Shinare rin ng @Kowalerts o Kapamilya Online World ang panayam na ito ni direk Benedict na lumabas sa BANDERA kahapon.

Komento ng netizen na si @artnosotros, “Tsk tsk tsk… Tumpak ka Direk Mique. Kaya nga sabi ko nakakatakot umanib sa Careless. Gising ka na Hope.. baka sa huli pagsisihan mo pa yan at maging Hopeless ang career.”

Baka Bet Mo: ‘Si Liza Soberano mismo ang tumangging bigyan sila ni Enrique Gil ng ibang ka-loveteam’

Kinontra naman ni @truefreedom101 ang mga reaksyon at sinabing ay sino at ano raw ba ang mga projects ni direk Benedict

“Sobrang believe sa sarili ng direktor na to ah, kala mo matalino, sobrang twisted at clouded nmn ng pananaw sa buhay. Lamunin nyo yang kasikatan, yaman, talinong kabaluktutan nyong alam dahil di yan ang impt sa buhay kundi naeenjoy mo ang true freedom.

“No wonder di pa nababalik prangkisa nyo dahil sa mga nilabag nyong batas isa na dun karapatan pantao. Mas malala kung magpahandle balik sa inyo eh dahil kita nmn kung gano kau kamanipulative at di alam kung pano ihandle ang problema na to. Pinagtatakpan nyo ang baluktot nyong ginagawa para madepensahan yang ego nyo,” aniya.

Anyway, nakausap namin si direk Benedict at inamin niyang may binlock siyang mga followers sa socmed.

Chat ni direk Benedict, “May nagmessage binlock ko hehehe.” Tanong uli namin, “Ha? Ano po sabi?”

“Wala deadma lang isa lang naman na walang saysay trabahador yata ng Careless ekek hehe,” sagot sa amin.

Liza Soberano pinalitan ang pangalan, may pasabog na bagong proyekto: Please call me ‘Hope’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maja Salvador wagi bilang ‘Best Actress’ sa Asian Academy Creative Awards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending