1-year-old baby sa Guimaras nag-viral dahil sa Disney costume, suot na kapa nagkakahalaga ng P1-M Bandera

1-year-old baby sa Guimaras nag-viral dahil sa Disney costume, suot na kapa nagkakahalaga ng P1-M

Ervin Santiago |March 12,2023
share this

1-year-old baby sa Guimaras nag-viral dahil sa Disney costume, suot na kapa nagkakahalaga ng P1-M

Ervin Santiago - March 12, 2023 - 07:22 AM
1 year-old baby sa Guimaras nag-viral dahil sa Disney costume, suot na kapa nagkakahalaga ng P1-M

Si Baby Adeena Mazikeen at ang kanyang P1 million kapa kasama ang mga magulang

UMANI ng libu-libong likes, shares at comments ang pasabog na birthday party ng isang mag-asawa mula sa taga-Jordan, Guimaras para sa pinakamamahal nilang anak.

Ito’y matapos ngang mag-viral ang kapa na ipinasuot ni Faith Co at ng kanyang mister sa anak nilang si Adeena Mazikeen bilang bahagi ng costume nito para sa kanyang unang taong kaarawan.

Disney Princess kasi ang theme ng birthday ng ni Baby Adeena kaya naisipan nina Faith na lagtan ng cape ang costume ng anak na pinagdugtong-dugtong na P1,000 bills na umabot umano sa halagang P1 million.


Shookt ang mga bisita sa party nang lumabas na ang may kaarawan suot ang mahabang kapa ng tig-iisang libong piso. Anila, napakaswerte ng bagets dahil isang taon pa lang ito ay milyonarya na.

Ayon kay Faith, talagang pinaghandaan daw nila ang bonggang first birthday ng anak at pinag-ipunan din nila ng kanyang asawa ang P1 million kapa nito.

Sey pa ng nanay ni Adeena, ang parang naipon nila ay mula sa kanilang poultry farm at fuel retailing business. Itatabi raw muna nila ang naipong pera para sa future ni Adeena.

Aniya sa isang panayam, “We are proud parents who want to show our love to our daughter by giving her a bright future ahead.”

Bonggang kapa ni Celeste Cortesi sa swimsuit round ng Miss Universe 2022 prelims gawa ng mga bata sa Marawi

Hidilyn Diaz: Tina-try kong maging Luisa Madrigal kasi sabi n’yo ako ‘yun, kaso waley…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending