Marjorie, Dennis, Gerald may sweet message sa 26th birthday ni Julia

Marjorie, Dennis, Gerald may sweet message sa 26th birthday ni Julia

PHOTO: Instagram/@andersongeraldjr

TATLONG importante sa buhay ng aktres na si Julia Barretto ang nagpahayag ng matamis na mensahe kasabay ng kanyang kaarawan.

Una na riyan siyempre ang kanyang ina na si Marjorie na lubos na pinuri at proud sa anak.

Caption niya sa isang Instagram post, “You came into my life 26 years ago today…. One of my greatest blessings in life is to have a daughter who loves me the way you do.”

“In your young age of 26 you have already worked so much, accomplished so much, loved so much, hurt so much, endured so much, learned so much, grew so much and through it all I proudly watched you from behind, because each year I see you stronger, more determined and wise.” patuloy niya.

Dagdag pa niya, “And none of the ugliness of this world could ever change the beautiful person that you are inside and out. I miss you today, but your happiness is mine [red heart emoji] Happy Happy Birthday, Juli! Live your life to the fullest for me! [red heart emoji].”

Bumati rin ang ama ng aktres na si Dennis at pinakita ang isang throwback picture nilang dalawa.

Baka Bet Mo: Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

Nakwento pa nga ng aktor na mahigit dalawang dekada na niyang tinatago sa kanyang wallet ang nasabing litrato.

Sabi pa niya, looking forward siyang makita ang anak.

“Dearest Juy… A picture in my wallet for 26 years and counting… Hope to see you soon.. Happy birthday anak!! Love you – Papa [emojis],” sey sa kanyang post sa IG account.

Para sa kaalaman ng marami, si Julia ang panganay na anak nina Dennis at kanyang ex-wife na si Marjorie.

Bukod sa aktres, mayroon pa silang dalawang anak na sina Claudia at Leon.

Samantala, kasalukuyang kasama ni Julia ang boyfriend na si Gerald Anderson sa France at Denmark at mukhang doon sila nagdiwang ng kanyang birthday.

Gayunpaman ay ibinandera ni Gerald ang kanyang short but sweet message para sa kanyang girlfriend.

Sey niya sa isang IG post kalakip ang ilang sweet photos, “The rare people in your life that root for you to achieve your goals are more valuable than the goals themselves [red heart emoji] Happy Birthday I [red heart emoji] U.”

Related Chika:

Lauren Dyogi dedma muna sa mga umalis na Kapamilya: Mas importante ‘yung mga kasama ko ngayon…sa hirap at ginhawa

Read more...