Gerald, Julia sumabak sa putukan, keribels mag-ala Brad Pitt at Angelina Jolie sa 'Mr. & Mrs. Smith' | Bandera

Gerald, Julia sumabak sa putukan, keribels mag-ala Brad Pitt at Angelina Jolie sa ‘Mr. & Mrs. Smith’

Ervin Santiago - March 05, 2023 - 03:55 PM

PUTOK kung putok! Yan ang pasabog ng celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto nang sabay silang sumabak sa gun firing kamakailan.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Tinuruan nga ni Gerald ang kanyang girlfriend kung paano magpaputok ng baril nitong nagdaang araw.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng Kapamilya hunk actor ang ilang mga eksena sa kanilang training.

“Live, love, shoot!” ang maikling caption na inilagay ni Gerald sa kanyang IG post.

Makikita sa maikling video na tinuturuan ni Gerald si Julia kung paano ang tamang paghawak at pagpapaputok ng baril.

Nakaalalay naman ang aktor at negosyante sa likod ng kanyang girlfriend habang inaasinta ang target na kanyang papuputukan.

In fairness, mas marami na kami ngayong nababasang maganda at positibong komento mula sa mga netizens para sa magdyowa. As in iilan na lang ang nga nangnenega at namba-bash sa kanila.

At marami rin ang kinilig at na-inspire na mga magdyowa sa “putukan” session nina Gerald at Julia. May mga nag-suggest pa nga na sana’y gumawa uli sila ng project together.

Bagay na bagay daw silang magbida sa isang action-drama series o movie o baka naman daw naghahanda na ang dalawa sa isang pasabog na proyekto kaya nag-aaral nang bumaril si Julia.

Maraming netizens din ang nagsabi na bagay silang gumawa ng pelikula na mala- “Mr. and Mrs. Smith”, ang blockbuster Hollywood movie nina Brad Pitt at Angelina Jolie.

Related chika:

Osang, Ara, Alma ibinuking ang mga leading man na may putok, mabaho ang hininga

Judy Ann never na-link kay Sam: Parang tita na niya ‘ko! Tsaka may asawa na ko nu’ng magsama kami sa teleserye

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuya Kim gustong si Dingdong ang bumida sa kanyang life story; game na ring sumabak sa akting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending