Vice Mayor Yul Servo Nieto ‘excited na excited’ sa pagbabalik ng Miss Manila pageant | Bandera

Vice Mayor Yul Servo Nieto ‘excited na excited’ sa pagbabalik ng Miss Manila pageant

Armin P. Adina - March 10, 2023 - 04:35 PM

Vice Mayor Yul Servo Nieto ‘excited na excited’ sa pagbabalik ng Miss Manila pageant

Kasama ni Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto (pangalawa mula kaliwa) sina (mula kaliwa) Charlie Duñgo mula sa city tourism, culture and arts department, Manila Mayor Honey Lacuna-Panga, KreativDen Entertainment Vice President Dorothy Laxamana at CEO Kate Valenzuela/ARMIN P. ADINA

MAGBABALIK ngayong taon ang Miss Manila pageant, limang taon mula nang itanghal ang huli nitong edisyon noong 2018. At isa sa mga nag-aabang sa muling pagtatanghal ng patimpalak ang aktor na si Yul Servo Nieto na vice mayor ng lungsod.

“Siyempre excited na excited sa muling pagre-relaunch ng Miss Manila sa kapital na lungsod ng Pilipinas,” sinabi ng lingkod-bayan sa Inquirer sa isang panayam sa press conference ng patimpalak sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall noong Marso 1.

Nilunsad ang Miss Manila pageant noong 1998 sa ilalim ng adminsitrasyon ng yumaong dating Mayor Alfredo Lim. Natigil ito makaraan ang ilang taon at binuhay muli ni dating Mayor Joseph Estrada noong 2014.

“Tugmang tugma pa, kauna-unahang babaeng mayor ng Maynila after 451 years. Paniguradong maraming mag-aabang dito sa Miss Manila dahil nakita ko kung paano sine-celebrate ng mga Manilenyo itong pageant na ito,” ani Servo.

Sinabi rin niyang panatag siyang magiging bongga ang pagtatanghal ng patimpalak sa ilalim ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at ng Department of Tourism, Culture and the Arts ng lungsod. Para sa patimpalak ngayong 2023, katuwang ng pamahalaang lungsod ang KreativDen Entertainment.

Baka Bet Mo: Yul Servo sa pagkahirang kay Ate Guy bilang National Artist: Siyempre, tuwang-tuwa ako!

Sinabi ng vice mayor na nais niyang isang pinuno ang makasungkit sa korona ng Miss Manila. “Number one iyong pagiging isang lider, iyong pangunguna sa mga magagandang kawang-gawa na pwedeng ilunsad ng aming siyudad para sa batang Maynila, hindi lang kababaihan,” aniya.

Batid ni Servo na buong lungsod ang kakatawanin ng magiging Miss Manila, at nakikita niyang marami nang Manilenya ang nagkakawang-gawa. “Mukhang magandang maganda ang magiging Miss Manila natin (I think we’ll have a really beautiful Miss Manila,” dinagdag niya.

Bukas ang 2023 Miss Manila pageant sa mga babaeng mula 18 hanggang 30 taong gulang na nakatira sa lungsod. Maaaring pumunta sa www.missmanila.ph upang maghain ng aplikasyon. Itinakda sa Hunyo 24 ang coronation night.

Related Chika:
Robin, Cesar, Alfred, Gardo gumanap bilang Andres Bonifacio; Yul Servo tuloy ang laban para sa ‘Ama ng Rebolusyon’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yul Servo kay Ate Vi: Petmalu lodi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending