Meralco posibleng may dagdag-singil sa kuryente ngayong Marso
POSIBLENG magtaas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Co. (Meralco) ngayong buwan ng Marso.
Ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), dahil ito sa pagtaas ng generation charge na dulot ng Malampaya maintenance noong Pebrero.
Ayon sa pahayag ng ERC, tataas ng P0.62 per kilowatt hour ang singil ngayon buwan ngunit ito ay pinag-aaralan pa nila.
“Such increase (P0.62 per kWh) shall be subject to further validation by the commission as to compliance with the underlying power supply agreements and substantiation of any fuel pass-through component, as applicable,” sey ng ahensya.
Paliwanag pa, “A typical 200kWh residential customer is expected to experience a total rate increase of ₱1.11 per kWh when other billing components, such as systems loss and taxes, are included.”
Matatandaang una nang nag-abiso ang Meralco sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente nang pansamantalang isinara ng dalawang linggong ang Malampaya field.
Dahil sa ginawang maintenance ay napilitan silag gumamit ng mas mahal na alternative fuel upang makapag-supply ng kuryente.
Read more:
Virgin Island vendor nagsalita na sa diumano’y overpriced na P26,000 singil sa turista
Nikki Co hindi isusuko ang showbiz career, keri lang kahit puro kontrabida role ang offer ng GMA
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.